#ItsMoreFunWithRice

Day 4 of my no rice diet! hay. ang hirap pala magdiet! saludo ako sa mga nagdidiet! sa buong buhay ko, first time ko pa lang itong gagawin.

Inisip ko nung una, madali lang naman magpapayat. hindi lang ako kumain ng ilang meals, pumapayat na ako agad. pero hindi ko inakala na malaki pala talaga ang epekto ng pagtanda sa metabolism.

lately, puro pakikipagkita sa mga kaibigan ang inaatupag ko at siyempre hindi mawawala ang kainan. Hindi ko inakala na sa halos gabi-gabi kong pagkain sa labas, tataba ako ng sobra.

OO. SOBRA!

Bakit ko nasabi?

Kasi sa 1, 2, 3, 4, 5, 6. Tama, 6! Sa anim kong pantalon pang-opisina, ni isa, wala nang magkasya sa akin. nagulat na lang ako na unti-unti na akong nahihirapang isara ang zipper nila at isa-isa na ring natatanggal ang mga butones! nung isang beses pa nga, bumigay ang aking zipper at basta na lang bumuka! nakakahiya!

Kaya tuloy lagi na ako ngayon nagsusuot ng palda o kaya naman ay bistida. ok naman. girly, ika nga nila. kaso, hindi ko pa rin talaga matanggap na ganun kalaki ang tinaba ko. sa bagay, kung tutuusin yung iba kong pantalon ay gamit ko pa mula nung kolehiyo. panahon na rin siguro na makalakihan sila.

Sana lang kayanin ko. ang dami ko ng iniiwasan! para akong may sakit!

numero uno ang rice o carbs. sabi ng nanay ko pwede raw ako kumain ng isang pirasong tinapay kada araw. isang piraso! nakakaiyak.

Pangalawa kong iniiwasan ang mga inuming may lasa. kung kilala ninyo ako, malamang alam ninyong hindi ako mahilig uminom ng tubig lang dahil wala itong lasa. Siguro kung mabubuhay ako at walang ibang iinumin kung hindi tubig, malamang maaga akong mamatay. kaya kong hindi uminom buong araw kung walang juice o di kaya softdrinks. parusa talaga itong ginagawa ko. ngunit may exception! kung may okasyon tulad ng kaarawan o kahit anong pagdiriwang at inuming may lasa lang ang handa, at saka lang ako pwedeng hindi uminom ng tubig.

Isa pang hindi ko kayang mawala ang mga matatamis. katulad ng karamihan ng mga Pinoy, ako ay may "sweet tooth". Gaya ng pagmamahal ko sa mga inuming may lasa, hindi ko kayang matapos ang isang kainan ng walang nakakain na matamis! kaya lang, sabi nila kailangan ko raw itong bawasan dahil nakakataba talagang tunay ang asukal. :(

At lahat ng ito ay ginagawa ko, dahil kailangan kong magkasya sa aking damit para sa kasal! Sabi nila bakit hindi na lang daw ako bumili ng bago para hindi ako mahirapan. ang sagot ko naman...ang mahal kasi bumili ng bago. Haha! Kaso, mabuti na rin ang magpapayat, mahirap din pala maging mataba. ang hirap kumilos!

Maging successful kaya ang pagpapapayat ko? Abangan.

No comments:

Post a Comment