hindi pala exciting ang buhay ng mga atsay...
sa isang buwan kong pamamalagi dito sa bahay (dahil sa kawalan ng trabaho na nagbubunga sa kawalan ng pera), damang-dama ko ang pagiging atsay...wala pang sweldo. araw-araw na lang wala kang gagawin kundi maglinis ng bahay.
ngayon alam ko na kung bakit kailangan ng day-off. magsasawa ka talaga sa gawain at itsura ng mga kasama mo. magkakainisan pa kayo kasi simula pag-gising hanggang bago matulog kayo-kayo rin ang magkakakitaan, dinigan, amuyan at kung anu-ano pa.
tapos wala man lang exciting na nangyayari sa buhay mo. ang highlight na ng araw mo ay ang panonood ng mga korean novela o mga telenovelang walang orihinalidad. sus. kung di ba naman mabobo nito. kaya pala ang dra-drama ng mga tao eh.
sana magkatrabaho nako! ayoko na "magbakasyon"!!!
ako, ok lang na sa bahay lang ako, kung ako lang mag-isa... at least, walang pipigil sa akin. wala akong aamuyin at pagsasawaan... pero malungkot yun kung ako lang mag-isa... pero dahil ako lang mag-isa, pwede akong magyaya ng ibang tao at walang tututol! hahaha! tsaka, kung ako lang mag-isa, pwede kong iwan yung bahay ng walang iniisip. hahaha
ReplyDeletemaganda nga yan. but that is not the case here. andito kaming lahat. huhuhu.
ReplyDelete