ober da bakod...

ang dami kong na-accomplish yesterday. hehehe. naks. bumalik na kse ako sa dati kong gawi na magsulat every night ng TTD (things to do) para sa susunod na araw. hehehe. nagawa ko lahat ng house chores for the day (atsay mode nung umaga). tapos nung hapon nakapag-internet para maghanap ng bagong amo. at in between, nagkaroon pa ng bonding time kasama ang mga kamag-anak sa kabilang bakod. hehe. compound kse dito sa amin katulad ng karamihan sa mga Pilipino.

naalala ko nung maliit pa ako (i mean bata pa ako. maliit pa rin pala ako ngayon. hehe), lahat kaming magpipinsan dito nakatira sa lola ko. ang saya-saya. araw-araw may rambol. girls against boys. mas matanda vs mas bata. pamilya vs pamilya. hehehe. tapos lahat ng pwede laruin nalalaro namin. mula basketball, badminton, frisbee, takbuhan, taguan (tao at tsinelas), langit-lupa, tinda-tindahan, bahay-bahayan, at kung anu-ano pa. pero wala ka! bawal lumabas ng gate at bawal magpadumi. haha. kaya mo yun?

nakakamiss. tumatanda na talaga ako. buti na lang paminsan-minsan, pwede maging bata ulit. Ü

No comments:

Post a Comment