namatay sa maling akala

hindi pala exciting ang buhay ng mga atsay...

sa isang buwan kong pamamalagi dito sa bahay (dahil sa kawalan ng trabaho na nagbubunga sa kawalan ng pera), damang-dama ko ang pagiging atsay...wala pang sweldo. araw-araw na lang wala kang gagawin kundi maglinis ng bahay.

ngayon alam ko na kung bakit kailangan ng day-off. magsasawa ka talaga sa gawain at itsura ng mga kasama mo. magkakainisan pa kayo kasi simula pag-gising hanggang bago matulog kayo-kayo rin ang magkakakitaan, dinigan, amuyan at kung anu-ano pa.

tapos wala man lang exciting na nangyayari sa buhay mo. ang highlight na ng araw mo ay ang panonood ng mga korean novela o mga telenovelang walang orihinalidad. sus. kung di ba naman mabobo nito. kaya pala ang dra-drama ng mga tao eh.

sana magkatrabaho nako! ayoko na "magbakasyon"!!!

2 comments:

  1. ako, ok lang na sa bahay lang ako, kung ako lang mag-isa... at least, walang pipigil sa akin. wala akong aamuyin at pagsasawaan... pero malungkot yun kung ako lang mag-isa... pero dahil ako lang mag-isa, pwede akong magyaya ng ibang tao at walang tututol! hahaha! tsaka, kung ako lang mag-isa, pwede kong iwan yung bahay ng walang iniisip. hahaha

    ReplyDelete
  2. maganda nga yan. but that is not the case here. andito kaming lahat. huhuhu.

    ReplyDelete