camera

nanaginip ako kanina. as usual, nagkukuha ako ng litrato para sa isang exhibit opening. bagong gallery yung pinuntahan ko. malaki siya. may kwarto kung saan nakasabit ang mga gawa ng artists. meron din hiwalay na kwarto kung saan magtatanghal ng performance art.

tapos na akong magkuha ng litrato ng mga gawang nakasabit kaya minabuti ko ng dumako kung saan nagaganap ang performance. pero para magawa ko iyon, kailangang tumawid sa isang pond. nasa kabilang dulo kasi ng building yun kwarto.

maganda yung pond. malaki siya. puno ng iba't ibang laki ng bato at malalagong halaman. para kang nasa ibang lugar habang tumatawid sa bridge.

kalagitnaan ng pagtawid, natisod ako at nabitawan ko ang aking camera. hindi nakasukbit sa leeg ang strap kaya nalaglag ito sa mga batuhan. naiyak agad ako. marami agad akong naisip. naisip ko na malamang nahulog na ito sa tubig. o kung hindi man, nawasak na ito dahil malamang tumama sa mga bato. ang mahal pa naman bumili ng bago at hindi man lang ako nakatapos pa sa pagkuha sa araw na ito.

pagsilip ko, nasa batuhan ang camera.

hiwa-hiwalay.

yung body.

yung flash.

yung battery. (akalain mo, may battery grip ako pero sa totoong buhay wala naman.)

pinulot ko yung body at battery. kinabit at ininspeksyon. buhay pa! nagpasalamat ako sa Diyos. inabot ko yun flash na nakapatong sa dulo ng isang malaking bato. medyo malayo. inabot ko pa ng konti pero sa kasamaang palad, sa pagpilit ko abutin, mas lalo siyang naitulak papalayo.

plok!

nalaglag ito sa tubig! nagsimula na talagang bumuhos ang luha ko. kailangan ko iyon at ito'y pinahiram lang sa akin. bakit ngayon pa ito nangyari? napakamalas ko naman talaga.

kahit kadiri ay pinilit ko ang sarili kong lumusong sa tubig na may lumot para kunin ang flash. naka-on pa ito nung ilabas ko mula sa tubig. dali-dali kong pinatay at inilabas ang battery. pinahanginan at tinitigan ng matagal.

--------
nagising na ako pagkatapos nito mangyari. hindi ko alam kung ano ang ibig nito ipahiwatig pero meron akong naiisip na maaring ibig sabihin nito na may kinalaman sa buhay ko ngayon. tama kaya ako? mensahe kaya ito galing sa Kanya?

No comments:

Post a Comment