teardrops on my pillow

favorite expression yan nung ex-officemate kong bading para sabihin na crayola (iiyak = cry) na naman siya. at lately ito ang drama ng buhay ko.

minsan ayoko na mag-isip. dahil sa kakaisip, lalong maraming naiisip. (magulo ba? ok lang yan. ako rin naguguluhan eh.)

sa dinami-dami ng mga depression mode periods ko, ewan ko ba bakit hindi ako magsawa-sawa. lagi na lang akong may maiisip na ikakadepress ko. nasisiraan na talaga yata ako ng bait. siguro nagkapatong-patong lang. hindi na kita ibobother with details dahil baka pati ikaw, maloka rin. pero gusto ko lang ilabas at umasang sa pagsabi kong ito, mabawasan yun bigat na nararamdaman ko.

hinga lang muna.

1 comment:

  1. eeh...snuggy don't be depressed... talk to me

    *mwah*

    ReplyDelete