i can feel xmas because...

uso na naman ang nakawan!


madaling araw kanina, nanakaw ang aming mga side mirror. side mirror ng kotse ko at side mirror ng bagong baby ni daddy aka crv ni charlie daw (sabi niya). nadiscover dahil nung paalis si kat for duty, nakabukas ang gate namin paglabas niya ng bahay.


ang first theory ni ma: naiwan kong bukas ang gate


hindi pwede. kasi before i said goodbye to pitt, i made sure that i closed the gate. kung nakabukas man siya, malalaman ko kasi magcreak yun. na-trauma na din ako sa nangyari before na naiwan ko yun set of keys sa lock kaya extra careful na.


second theory ni ma: gumagaling na talaga ang mga magnanakaw


aba, e kami nga may susi sa gate, ang tagal bago mabuksan. tapos sila, nagpipick lang, nabuksan. hanep! and to think, kinakalawang na yun gate namin!


sabi ni ma, yun kapitbahay namin 3rd time na nanakawan ng side mirrors since end of october. grabe. ang tigas din ah. kala ko lightning never strikes the same place twice.


theory ko: may insider


lagi kasi maraming mga tambay na boy sa neighborhood namin. di ko alam kung talagang tauhan sila ng mga kapitbahay or kumbaga kakontsaba ng mga tauhan ng kapitbahay.


proposed solutions:


#1 umuwi na lang lahat ng maaga. pinakagusto ni mommy at daddy. kumbaga ideal solution. hahaha. dahil parang may curfew kami lahat. ayos.


#2 improved security measures.

- magpakabit na ng 2nd door para mahirapan tumakas kung sino man yun. kasi hindi siya pwedeng lumabas sa gate ng kotse dahil nakapadlock. tapos mahirap din umakyat ng pader. yun pinto na lang ang pinaka "weak" point. s(suggestion ko na kinopya ko sa mga bahay ng kapitbahay namin na chinese. napansin ko lang)

- magkabit ng mga security cam sa perimeter ng compound. hindi man siya mahuli, pwede kang sumigaw ng "you are caught on tape!" hehehe.

- iwanang nakabukas ang ilaw sa garahe. kumbaga, conducive to unscrupulous activities ang madilim na lugar e.

- ipa-engrave ang mga side mirrors at palagyan na rin ng "cage". wa-epek na ang mga pentel marks at aluminum tape to create that "basag" look.

-----------
simula kagabi, nakakandado na rin ang pinto ng gate. bawal na talagang magpagabi dahil mambubulabog ng tao para magpabukas ng gate at pinto. anu ba yan. kahit sa sarili mong bahay, you don't feel safe. matindi pa ako ngayon kay cinderella.

No comments:

Post a Comment