lolo narding

6 am, umaga ng libing ni lolo narding. ready na ang banda.

nagmistulang flower shop ang bahay sa dami ng mga nagpadala ng bulaklak. sumuko na ang flower shop. dalawa lang kasi. naubos na ang mga bulaklak. hindi pa nila nadadala yun ibang order.

collage ng mga litrato naming mga kamag-anak habang kapiling pa si lolo.


sa loob ng bahay. dito ako nagbabantay ng ilang oras sa isang araw. bawal daw kasing iwanan ang patay. dapat may isang kamag-anak sa tabi nya sa lahat ng oras kaya may toka kami. halos isang linggo din pala akong lumiban. in fairness, kinaya kong magbiyahe ng martes pabalik ng maynila para pumasok ng miyerkules. tapos magbiyahe ulit ng huwebes para bumalik sa isabela.


habang binubuhat ang kabaong papunta ng sasakyan.


isa pang pamahiin, bago daw dalhin ang kabaong sa simbahan, kailangan magbasak ng palayok na may tubig pagkatapos pumatay ng mag-asawang manok sa pamamagitan ng pagpugot ng ulo nito. hindi ko nga lang naitanong ano ba ang logic dun.


papuntang simbahan, hindi ako naglakad. dala ko yun kotse para sakaling may mahimatay sa paglalakad, ay pwede kong isakay.


habang nasa simbahan, tinawag kami para tumayo sa tabi ng kabaong habang binabasbasan ng pari.

photo-op bago tumuloy sa sementeryo. ito ang pamilya ng tatay ko.

palabas ng simbahan...

kuha ng mga kamag-anak habang naglalakad palabas ng simbahan.

habang hinihintay maisakay ang kabaong


prusisyon palabas ng simbahan
si lola pering


mga kapatid ni daddy at mga pinsan namin


sa sementeryo habang nagsasalita ang kapatid ni lolo na sobrang kamukha niya. akala ko tuloy naresurrect siya. hindi pala.


nakapila ang mga tao para magpaalam


mga pinsang umiiyak.


may banda si lolo. astig!


nung nilagay yun mga "favorite things" ni lolo sa loob, biglang umilaw yun paborito nyang flashlight. nagulat kami. sabi ng isa kong tito, baka gusto daw ni lolo may ilaw kapag tinakpan para di siya matakot sa dilim...


habang tinatapos ang pagsasara sa libingan.


naghihintay kami...


pauwi, isa pang ritwal. kailangan "paliguan" lahat ng taong papasok sa bahay ng namatay ng pinakuluan na dahon ng bayabas na may kalamansi.


kainan na!





1 comment:

  1. condolences to you and your family cla. what a coincidence, i was just writing about my lola and now i come across this. take care!

    ReplyDelete