what's wrong?

minsan ang hirap magtanong...

kasi kailangan ng lakas ng loob at tibay ng dibdib. at kadalasan, wala ako nun. o kung meron man, nagtatago sila tuwing kinakailangan. parang batang natatago sa palda ng nanay.

kasi baka isipin, o higit pa, sabihin na ang tanga-tanga mo. na simpleng bagay lang hindi mo pa alam o hindi mo makuha. samantalang common sense na yun. (pero common sense is not so common anymore! -sagot ng pilosopo kong safeguard conscience)

o minsan naman, dahil natatakot ka sa isasagot sa'yo. dahil alam mo sa loob mo, na malamang, yung isasagot sa'yo yung ayaw mong marinig.

lately ang dami kong gustong itanong. sobrang dami. dahil naguguluhan ako sa sitwasyon. hindi ko alam kung ako lang ba ang nag-iisip ng ganun. baka masyado lang akong paranoid. o baka may problema na talaga na ayaw ko lang iacknowledge dahil ibig sabihin hindi na ulit perfect ang lahat.

napapansin ko kasi, lately nagiging iba. iba ang kilos. iba rin ang sinasabi. minsan, tulad nga ng dati pero alam mong may nagbago. basta may naiba. hindi ko lang talaga alam kung ako lang ang nagbago kaya pakiramdam ko ganun. o baka dahil feeling ko lang din na ayaw mong aminin na may nagbago nga.

so ano nga ba? bakit nga ba ganito? ako lang ba yun?

gusto ko lang itanong.

2 comments:

  1. sana yung pagtatanungan mo, nabasa yung 'apolohiya' ni sokrates... para alam niya na lahat tayo tanga at walang masama dun at sa pagtatanong... *sigh*

    ReplyDelete