anyway, this time, wala akong maaasahan to do that for me gusto ko rin matutunan kaya go pa rin ang mga lola. buti na lang pwedeng tumawag kay father dear para humingi ng directions at nakarating naman kami on time.
malas pa ni pj. kailangan isurrender ang lighter dahil hindi naman kami nasabihan na bawal pala sa handcarry yun. oh well.
ito ang courtyard ng hotel namin. may munting fountain sa gitna. tumira kami sa sugarland hotel. ito pala ang pinaka unang hotel sa bacolod, ayon sa aming taxi driver galing airport, na hindi nakakaintindi ng tagalog unless may punto ng ilongga. buti na lang marunong si pj. dahil hindi nya ako maintindihan sa mga pinagsasasabi ko.
ito naman yun kinain namin sa event. yun sandwich, mukhang tikoy na may ham sa gitna. o baka kami lang ang may ganung klaseng tikoy.
ito si sir jude na kaisa-isang taong pumayak magpauto sa akin at magpapicture kasama ng mga iba't ibang klase ng ice cream cake. ayaw na talaga naming kumain pero nung natikman namin ang cake...
"heaven in your mouth!" ang feeling. ito si pj habang nilalasap ang cake. in fairness, mura din siya. sa 5 tao, naka mahigit kumulang na 250 lang ang nagastos namin. kasama pa yun mga kape.
sana mas matagal pa kami next time dahil wala naman kaming masyadong nalibot. gusto kong kumain dun sa mamma mia na pizza place. drive-in siya. parang sa states na drive in movie. at pinagyayabang nito na sila ang may pinakamalaking pizza sa pinas. 26 inches daw!
oh well, next time na lang ulit. sana magkaron kami ulit ng event na friday para pwede mag-extend sa weekend.
oo nga pala, nakalimutan kong banggitin na si jackie manzano ang stewardess namin sa flight pabalik at nanalo ako sa games. hahaha. showbiz talaga!
the cebu pacific airport is one of the worst things that can happen to you in bacolod. hehe. di ko nga alam kung bakit nila ginawang ganun yun eh. before naman same building lang sila with pal and air phil.
ReplyDeletebuti naman you had a fun time eating. masasarap talaga pagkain sa bacolod. =D