minsan gusto ko na mag resign. tulad ngayon. >_<
gusto ko na umiyak. sobrang daming trabaho. parang dagdag lang ng dagdag tapos kahit ang dami mong nagagawa hindi nababawasan yun tambak ng trabaho. kung makikita nyo lang ang mesa ko. hindi siya matatawag na mesa.
tapos may nawawala pa akong Php1,000 worth ng GCs. ayoko mag-abono!!! sana talaga makita ko pa sila.
pero sa dami ng nababasang kong kwento tungkol sa pinsalang hatid ng bagyo at sa mga tao na nanghihingi ng tulong, napapaisip ako kung malas nga ba talaga ako. kasi problema ko sa trabaho lang e. pero may bahay naman akong matutuluyan. sapat naman ang kinakain ko. kasama ko ang mga mahal ko sa buhay.
maswerte pa rin pala ako dahil kahit papaano may trabaho. yun nga lang, masakit lang talaga sa ulo.
huwawawee, update! :)
ReplyDeletemag-usap nga kayo ni papu, pareho kayong gusto nang magresign! hehe.