photo class updates

pangatlo na itong nilapitan kong vulcanizing shop bago may pumayag magpakuha. kaso medyo mahiyain si manong. ayaw niyang tumingin sa camera kaya tinawag ko pa siya para tumingin. habang kinukunan ko siya tinutukso siya ng mga bata/kasamahan nya na "mowdel" kaya lalo siyang naging conscious.

gusto ito ng teacher ko. maganda raw ang pattern ng mga gulong. kaso yun nga lang awkward si manong dahil mukha ngang naconscious. yun daw ang problema ng pagkuha ng litrato ng mga tao. naco-conscious sila at nahahalata sa kuha.



si manang na nagkakariton. ang dami naming napagkwentuhan. kinuhanan ko siya on the day of my class. sabi nya yun nakukuha nyang tira-tirang kahoy (nagdemo siya ng isang dipa) 50 centavos lang nakukuha nya bawat piraso. pero at least marangal naman daw ang hanap buhay nya di tulad ng iba. grabe. hindi ko maimagine kung pano siya nabubuhay ng ganun.

sabi ng teacher ko sa kuha na ito. sana daw hindi kita yun kotse tsaka sana less space sa sky. pero ayos naman daw yun kuha Ü

si manong sa may parking. last minute idea. haha. buti na lang andyan si manong at may last minute subject ako para naman may homework ako na hindi ginawa on the day itself. pano, lahat kami on the day itself gumagawa ng homework kaya sabi ng teacher, dapat at least a day before. haha.

sabi ng teacher ko, ok na daw itong kuha. pero mas maganda kung nakaupo si manong para hindi naman daw siya hirap dahil parang nakasilip siya dahil iniiwasan ko nga yun kahoy na harang sa pwesto niya.


nakakatawa. halos lahat ng kuha ko, ok na sana kaso laging may isang aspeto na pwede pang iimprove. ok na rin. ang saya-saya kumuha. yun mga kaklase ko mahilig magset-up. yun mga kuha nila talagang inayos o yun bang scripted. ako mga kuha sa labas at puro mga ordinaryong tao. gusto ko kasi yun mga talagang nangyayari sa araw-araw. kapag kumukuha naman kasi ng litrato mas madalas na hindi handa ang kinukuhanan. hindi naman laging nasa studio. yun siguro ang magiging specialization ko. everyday photography. if there is such a thing. kung wala, e di gagawa ako. bakit ba.

-----------
btw, ang topic sa hw na ito ay yung environmental portraits. dapat yun mga elementong nakapaligid sa subject ay may sinasabi tungkol sa subject.

7 comments:

  1. naaaaaaks naman!!! get a DSLR na para lalong gumanda :D kayang kaya dalawang sweldo mo lang yun hahaha. :P

    ReplyDelete
  2. pael, sure. pero di ako expert kaya ewan ko lang kung may matututunan ka. haha.

    chi, oo nga e. anong dalawang sweldo? mga limang buwang sweldo yun noh. hehe.

    ReplyDelete
  3. san ka nag-aaral? sa the garage? :) gusto ko yung shot ni manong vulcanizer :D ako rin, turuan mo! :)

    ReplyDelete
  4. clatot, san ka nagphoto class? gusto ko riiiin. :)

    nice pictures btw.:)

    ReplyDelete
  5. ako rin, ate cla. saan ka nag-aaral? on leave kasi ako from nov.20-24. kung may courses sila, magsa-sign up ako. :)

    ReplyDelete
  6. kay Jo Avila. sa annapolis greenhills. you can email him at pinakamagalingako@hotmail.com or text him at (0917)5305133. costs 4.5k for sat sessions. 3.5k for wkday sessions after office. free attendance of refresher courses up to sawa.

    pero sabi ng tito ko, may nahanap daw siya sa intramuros. 2.8k lang. tapos whole day na 5 sessions. plus you can check out the portfolios daw of the photographers who will be teaching. i'll try to ask for more info.

    ReplyDelete