my little macho gwapito

nung May 1, lumabas kaming pamilya at pumunta sa Sitio Lucia sa Bulacan para magswimming. hindi sumama si kat dahil as usual, nag-aaral. may nakakatuwang nangyari sa pool.

nasa malaking pool kaming tatlo ni con at charlie. naglalaro. karamihan sa mga tao ay promdi. as expected, medyo napapatingin sila sa amin dahil kami lang ang nakaswimsuit. iba pa rin talaga ang kultura ng mga Pilipino. para kaming naging resort attraction. haha. celebrity?

makalipas ang ilang minuto, eto na! may grupo ng lima hanggang anim na mga lalaking galing sa kabilang pool ang naka-"spot" sa amin. napatingin ako sa direksyon nila at napaisip. alam ko yata ang pakay ng mga ito. pero di ko na sila pinansin.

maya-maya, eto na. unti-unti na silang lumalapit at pinapalibutan kaming tatlo. si charlie, dahil bata pa, ay walang napapansin sa nangyayari. nagkatinginan na lng kami ni con.

umurong kami papunta sa gitna ng pool, sumunod sila. bumalik kami sa may gilid ng pool, sumunod pa rin. aba, sinusubok talaga ako ah.

ilang minuto pa, naririnig ko na silang nag-uusap.

guy 1: tol, sino ba diyan ang gusto mong makilala?
guy 2: ayan o. (sabay turo)

hindi ko sila nakikita. nasa likod ko kasi ang mga nag-uusap. pero sa mukha ni con, alam kong ako ang tinutukoy nila. nakikita ko ang ibang lalaki. kung ikukumpara sa mga pelikula, sila ang mga asungot o henchmen. hehe. sunod lang sa utos ni boss.

nagsimula na akong magcountdown dahil alam kong ilang sandali na lang lalapit na sila at magpapakilala. dali-dali din akong nag-isip ng mga magandang dahilan at paraan kung pano sila pagsabihan para hindi na kami istorbohin at para mukhang astig kapag kinuwento ko sa iba o sakaling may makarinig sa pag-uusap namin.

guy 2: miss taga-tuguegarao ka ba?
ako: (sa isip) huwaw!?! what-a-pick-up-line?! aba, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa iniimply ng tanong nya. (hindi ko nga pinansin)
guy 2: miss, taga-tuguegarao ka ba?
ako: NO! (sabay talikod)
guy 1: miss pwede makipagkilala?
ako: NO! (sabay hila kila con at charlie sa ibang direksyon, palayo sa grupo ng mga lalaki)
charlie: (bumubulong ng malakas--->hindi pa nya nakukuha ang tamang pagbulong) ano ate? bugbugin ko na? ha? ha?
guy 2: ayaw nyo ba makipagkilala?
ako: NO THANKS!
guy 2: bakit naman?
guy 1: you don't talk strangers?
ako: (sa isip) what the? you don't talk strangers?! hello?!?
guy 2: sige na miss, pwede magpakilala?
con: WE'RE NOT INTERESTED!
charlie: ano ate? duduraan ko na to? kasi naman. isang sapak lang. pumayag na kayo!
ako: (habang hinihila si charlie papalayo) ok ka lang? parang ang laki-laki mo ah...
charlie: e ano? kaya ko sila.
con: (tumatawa) ang iingay mo charlie. madami kaya sila.
cla: oo nga. as if kaya mo noh.
charlie: makaisa lang ako. sige na. (with matching papigil movements)

sa wakas. lumayo na rin sila at iniwan kami. wala talaga silang mapapala sa amin noh. faithful ata ito. at ick! ewan ko ba bakit nahihilig ang mga ibang tao sa mga ganyan. pathetic.

pagbalik sa amin ng table...

charlie: alam mo ate tin, buti ka pa...
tin: bakit?
charlie: walang nagpapakilala sa iyo. etong dalawa...ewan! pinapahirapan ako e.
ako at con: Hahahahaha!
tin: hindi kasi ako nagpapacute.
ako at con: whatever!

natawa rin si mommy at daddy. kinwento namin ang aming adventures sa pool. hay naku. these are the moments that make me happy i'm with charlie. i'm so proud. haha. love naman pala nya kami. ang sweet ng kapatid ko. haha. sana lagi siyang ganyan at hindi kami inaaway. hehe.

4 comments:

  1. hahaha

    "you don't talk strangers?"

    yey! meron ulit mga ganitong stories sa blog mo. ;)

    ReplyDelete
  2. ava, onga e. kakamiss na magblog.

    les, nyak! gaga! wala lang silang ibang choice! wahaha.

    ReplyDelete
  3. cla! ang cute cute naman ni charlie! tagal ko na di nakikita yun baby brother mo! haha

    ReplyDelete