tagged by chi!

The first player of this game starts with the "6 weird things/habits about yourself" and people who get tagged need to write a blog of their 6 weird habits/things, as well as state this rule clearly. In the end, you need to choose 6 people to be tagged and list their names. Don't forget to leave a comment that says "you are tagged" in their comments and tell them to read yours.

1. kapag nasa bagong lugar ako, sumasakit ang tiyan ko at kinakailangan kong mag"download". minsan naiisip ko na baka nareincarnate ako mula sa aso. para kasing nagmamarka ako ng teritoryo tuwing nangyayari ito. kaya para maiwasan, kailangan kong tanungin kung saan exactly pupunta para ma-acquaint ko na ang sarili ko sa lugar bago pa dumating ang "big day".

2. kapag naliligo ako, dapat tuyung-tuyo na ang buhok at katawan ko bago ako magbihis. kung hindi, magpapawis ako na parang trabahador. as in yung pwede ka na maging superhero dahil may special powers ka. at hindi lang basta tuyo na towel dry. dapat blow dry. hindi ko alam kung psychological lang ang effect pero talagang ganito ang nararanasan ko kapag hindi yun nasusunod. kaya madalas matagal ako magbihis pagkatapos maligo.

3. kung sa unang beses ko natikman ang pagkain, may kasama siyang sawsawan, sa mga susunod na beses na kakainin ko yun, dapat may sawsawan din. kung wala, hindi ko siya kakainin o kaya pipilitin kong maghanap ng sawsawan. basta dapat laging may sawsawan. kunwari sa lumpia. nung unang beses ako kumain ng lumpia may kasamang sweet and sour sauce. kaya tuwing kakain ako ng lumpia, kailangan may sweet and sour sauce. kung hindi sweet and sour ang sauce, maghehesitate akong kainin ito. (ito ata ang isa sa mga rason kung bakit hindi ako tumataba dati. hehe).

4. mahilig ako mang-amoy. mabango man o mabaho. basta may amoy. (reincarnated ata talaga ako mula sa aso. see #1) may heightened sense of smell ata ako. ang paboritong kong amuyin ngayon ay ang pisngi ni noel. syempre mabango. nakakaadik at nakakahigh. hahaha. pero yung high na maganda. yung parang happy ang feeling. siguro gumagamit siya ng clinique happy. hehehe.

5. adik ako sa pagbubunot ng buhok. san ka man naroroon bubunutin kita. mapuyat na kung mapuyat basta mabunot lang kita. kaya nga ngayon hindi na ako madalas magpuyat sa panonood ng palabas sa tv kasi nagcoconcentrate ako sa pagbubunot ng buhok. haha. mapakilay man o kili-kili. para kasing may sense of achievement. katulad siya ng feeling kapag nagtitiris ka ng pimple o blackhead o whitehead. ang sarap!

6. kapag natutulog ako kailangan surrounded ako ng pillows. hindi lang isa o dalawa. teka bilangin ko. may baby pillow ako na since baby pa ako, may dantayan na since grade school, may malaking unan (standard size), may pink panther galing kay jolitz, may winnie the pooh na hindi ko alam san nanggaling, may pink na hello kitty na galing kay bf cathy, may blue na hello kitty galing kay tita merlee at may disney pillow galing kay mike. 8 all in all. dapat lahat ng buto sa katawan ko na lumilitaw may padding. ang sakit kasi kapag tumatama e. at kapag may nawawala kahit isa dahil nalaglag or nawala siya sa posisyon, nagigising ako.

kailangan sagutin ito ni... (dyandyararan!) noel babuy, joydmango, ninna, may, and bonnie! Ü

sa wakas natapos ko na rin. naka-5 ulit na ako e. lagi kasing may mangyayari kapag isa-save ko na. hehe.

No comments:

Post a Comment