last saturday nagpadentist ako to have my "half-tooth" checked. mahirap na. baka mapaaga ang paggamit ko ng pustiso. hehe. medyo nagulat ang dentista namin dahil kakapunta ko lang earlier this year tapos balik na naman agad ako.
pagtingin nya sa ngipin ko, ang una nyang tanong... "stressed ka ba?"
sabi ko naman "medyo po. nagsales na kasi ako eh. bakit po?"
"kasi one of the recent findings sa cause ng pagkabungi/brittleness ng ngipin is stress. wala ka namang history of grinding (yung pagkiskis sa mga ngipin kapag nase-stress or kahit natutulog lang) at wala naman cracks yun ngipin mo. at buong buong natanggal ang half!"
"ganun po ba? sabi kasi ni ma, baka kulang lang ako sa calcium..." (sabay kamot ng ulo)
"kung kulang ka sa calcium dapat lahat ng ngipin mo ganun. e isa lang yan e. at saka di ba sumasagit yun part na yan?"
"ah...hindi naman po. bakit?"
"e exposed na yun nerves mo e." (sabay turo at tusok ng instrument para idemonstrate kung nasaan yun nerves) "wala ka pa ring nararamdaman"
"wala po"
"ang galing! o sige, lagyan ko na lang ng filling para hindi magalaw yung nerves. tapos hintayin mo na lang matanggal yun ngipin. kasi kung i-root canal natin, mapapagastos ka lang pero mamamatay din ang ipin mo. sayang lang ibabayad mo."
"ok po."
----------
grabe naman ang stress na nararanasan ko pala. aside from having dandruff, natatanggal pa ngipin ko. huhuhu.
Hi Ate Cla,
ReplyDeleteIt happens to me too! nag-ggrinding yung teeth ko even when im asleep dahil sa stress. kaya i make it a point to relax or destress kahit papano before I sleep. Kasi sobrang masakit sa ngipin! hehe.
But anyway, according to a Nutritionist-Dietitian I know, there are no proven vitamins that can alleviate stress. stress is such a buzz word kasi nowadays and some companies are taking advantage of it. oh well.. hehe..