do i look old?

nag-greenhills kami last saturday ni noel with con. hehe. magtitingin kasi si noel ng phone tapos si con naman mamimili ng damit. ako? alalay. hahaha. tsaka nakaplano na na manonood kami ng "the da vinci code" dahil matagal na naming pino-postpone ang panonood nito dahil sa trabaho at kung anu-ano pa.

nakipagkita kami kay noel sa may starbucks sa theater mall at around 3pm pagkatapos ng dentist appointment namin ni con. tinulungan maghanap ng damit si con at namili rin ng kaunti. tinamad na kaming magtingin ng mga phone dahil napagod sa pagsuyod ng mga tiangge. hindi pa pala naglunch si noel. bago kumain, nilagay namin ang mga pinamili sa sasakyan para wala na kaming bubuhatin at aalalahanin. naisip din namin bumili na ng tickets para hindi maubusan dahil mukhang marami pa ring nanunuod.

magkahiwalay ang linya na pinilahan namin ni noel para makita kung saan mas mabilis umandar ang mga tao. nauna siya dahil yung magkasintahan sa harap ko ay hilo pa ata sa pamimili. dun pala sila manonood sa promenade pero sa theater mall sila bumibili at ang dami pang tanong sa babae sa counter kaya lumipat ako sa pila ni noel nung tinawag nya ako.

sabi nung babae..

CG (counter girl): sino-sino po ang manonood?
noel: kaming tatlo.
CG: ah ilang taon na po kayo?
noel: twenty-three.
CG: eh siya? (sabay turo kay con)
con: twenty.
CG: pwede po bang makita ang ID?
ako: (singit sa usapan) ako? hindi mo tatanungin? (sabay tawa ni noel at con)
CG: (ngumiti lang)
ako: ganun? nainsulto ako ha? so mukha na akong matanda?
noel: baka kasi nakaspongebob shirt ako... (pampalubag-loob)

pagdating sa kainan, tawa pa rin kami ng tawa sa nangyari. bakit ganun? mas mukha ba talagang bata sa akin si noel? ack! ayoko maging sugar mommy!

4 comments:

  1. HAY NAKO. ginaganyan din nila ko palagi. sabi ng boss ko mukha daw akong cradle snatcher pag kasama si yeg. garrrrr. tapos akala nung AD namin 24 nako. TWENTY FOUR!

    ReplyDelete
  2. sabi dun sa previous post mo, kailangan mo ng stress tabs... baka kaya mukha kang matanda! hahahaha!!!

    ReplyDelete
  3. hahahaha! mas mukha akong bata kay cla!!! hahaha!!!

    ReplyDelete