joining the klumps

telltale signs kung paano mo malalaman kung tumataba ka na:

1. kung dati, kapag nakikita ka ng mga tao ang sinasabi nila "uyy, ang payat-payat mo pa rin. kakainggit!". ngayon, kapag nakita ka nila ang bati nila sa iyo "huy! anong nangyari sa'yo? ang taba mo na!"

2. kailangan mo ng i-let go ang mga pinakamamahal mong damit dahil para ka ng suman kapag isinuot mo sila. at ang comment ng mga tao kapag nakita ka, sakaling pinilit mo itong pagkasyahin... "is it just me o nagshi-shrink ata ang mga damit mo? wag mo kasing labhan sa mainit na tubig!"

3. kung dati, hindi ka makahiram sa mga kapatid mo ng damit kasi nagmumukha kang hanger sa luwag nito sa iyo... ngayon, puro damit na nila ang isinusuot mo kasi wala ng natira sa mga damit mo na pwede mong isuot.

4. hindi ka na pinipilit ng nanay mo na kumain pa ng marami. pinipigilan ka na niyang kumain dahil baka pumutok ka na.

5. napagkakamalan ka ng buntis sa laki ng tiyan mo. o di kaya tinatawag kang curvaceous. dahil ang korte mo ay puro curves lamang.

6. dati, kapag nacu-cute-an ang tao sa iyo, pinipisil o kinukurot ka sa pisngi. ngayon, pinipisil at kinukurot ka pa rin... pero sa tiyan.

7. nung payat ka pa, sinasabi sa'yo ng bf mo "i love you more!" ngayon, "there's more to love!"

----------
wala lang. naisip ko lang kasi tumataba nako. buti na lang lenten season. kailangan magfast dahil ako'y isang "adult". hehe. siguro naman mababawasan na ang tiyan ko. hehehe.

6 comments:

  1. Look at the bright side . . . The first sign of maturity is when you start growing horizontally rather than vertically! hehehe peace!

    ReplyDelete
  2. tumataba ka na ba talaga? don't tell me mas mataba ka na sa akin? Haha! I get those comments all the time, lalo na pag nakita nila yung HS pictures ko, ang laging hirit, "Pitt! Ano nangyari sayo?!?" Hehehe.:P

    ReplyDelete
  3. langya ka kuya noel!

    hehe. drastic change naman yung iyo pitt e. haha.

    ReplyDelete
  4. haha! drastic ba? actually oo nga, kasalanan kasi ng Guam yung akin eh hehehehe. basta papayat din ako someday! kahit hindi ako kumain ng isang taon!!! bwahaha!!!

    ReplyDelete
  5. shet i can relate. lahat ng damit ko dati parang rubber sa sikip! sabi pa ng lola ko nagmumukha na daw akong stuffed toy. =(

    ReplyDelete
  6. Huy hindi ko sinabi sa iyo na "theres more to love" kaw talaga! i love you!

    ReplyDelete