break muna

work! work! work!

ang hirap talaga ng maraming trabaho. hindi mo alam kung kasama pa ba sa job description mo ang pinapagawa sa iyo. paano, ang daya naman sa mga kontrata na iyan e. may nakalagay palagi na "and performs other tasks assigned". napaka-vague kaya nun! pwedeng magtake ng advantage ang kung sino man.

buti na lang "rest" tom to saturday kasi may workshop. yipee! tagaytay highlands here we come! kaso parang hindi rin rest kasi magpreprepare kami for our mock presentation for next week. tapos may dala-dala pa kaming pricelist chuvaloo in case may mga mangailangan ng quotation. hay. pumunta ka nga sa bakasyunan, hindi ka naman nagbakasyon. anu ba yun?!

tapos mamimiss ko pa si babuy :(

can't wait to get back! (hindi pa nga nakakaalis e) sana magising ako ng maaga bukas at hindi maiwanan ng sasakyan. hehe.

1 comment: