kapag sinusubok ka nga naman

past 5 na. malayo pang matapos ko ang report ko. which means that malamang, hindi ako makapunta ng practice ng choir tomorrow. nangangamoy na ako. dapat naliligo na ako dahil pupunta pa ako sa dinner namin sa makati ng aking college friends. na dapat mag-oovernight pa ako. na dapat kanina hapon pumunta ako ng ateneo. na dapat napanood ko na by now ang "The Chronicles of Narnia".

pero ano?

andito pa rin ako sa bahay. nanggagalaiti. gusto ko na sabunutan ang sarili ko. syet. pinaparusahan ba ako? ilang araw na akong nagpapakaalipin sa trabaho ah. sa minsang pagkakataon na nasa bahay ako, trabaho pa rin ang ginagawa ko.

idagdag mo pang nainis ko na naman si ma. grrrr! i hate myself. nakakainis lang kasi e. malaki na ako. naririndi na ang tenga ko sa paulit-ulit na paalala sa mga bagay na alam ko na. sa pagpansin sa bawat maliit na bagay na ginagawa ko. na kaya hindi nasusunod ang ibang mga sinasabi o payo ay dahil may sarili akong opinyon at diskarte sa mga bagay-bagay.

alam ko naman na good ang intentions nila. pero sana hindi ko rin kailangan na paulit-ulit na iexplain ang sarili ko. na lahat na lang ng gagawin ko ay na-iinterpret na sumusuway sa gusto niyo. aba! hindi ko na malaman kung san ako lulugar ah! at dahil pa sa ginawa ko, nadamay si kawawang bibster boy. grrrrrrr!!!!!!! gusto ko ng sakalin ang sarili ko.

waaaaahhh!!! ayoko naaaaaaaa!!!!!!!!! (at this point, kung pwede lang bunutin lahat ng buhok ko sa kili-kili with my bare hands, ginawa ko na)

Lord, gravy naman 'tong test mo. surprise na nga, sobrang dami pa! anyway, sabi nga ni mang fred...na lagi kong ginagamit na mantra in times like these ... "Sana makayanan ko ang lahat!"

goodluck and more power sa'yo cla! kaya mo yan!

2 comments:

  1. gravity... ice cream bar lang sa shakey's ang katapat nyan. wehehe ;P

    ReplyDelete
  2. hahaha. lilibre mo ba ako maykel? hehe. pero wag ngayon, masakit lalamunan ko e. hahaha.

    ReplyDelete