tuwing sumasakay ako ng MRT, nagro-roundtrip ako. ayoko na kasi makipagsiksikan sa mga tao. nakakapagod din ang tumayo at nakaka-harass pa.
kahapon, pagsakay ko sa ayala station napa-idlip ako. pero dun pa sa part na biyaheng taft hanggang ayala. pagdating sa ayala, nagising ako. marami kasing sumakay e. andiyan yun may nangangamoy at saka mga nananapak ng paa.
pero dahil sa pagod ko, medyo nasa half state ako. half state meaning half-awake at half-asleep. kaya wala akong pakialam sa mga tao. sort of natulog pa rin ako. although conscious pa rin ako sa mga nangyayari sa paligid ko.
bandang guadalupe nung mahimasmasan ako, napansin kong pinagtatawanan ako nung dalawang babae na nakatayo sa harap ko. siguro dahil nakanganga na naman ako. ganun kasi ako kapag natutulog. actually kahit hindi pala natutulog nakanganga lang ako. hindi ko alam kung bakit. may effort talaga na kailangan i-exert para hindi ako mapanganga.
pumikit ulit ako para umidlip pa. mahaba pa kasi ang biyahe. narinig ko yung dalawang babae na nagbubulungan.
b1: hihihi. natulog na naman!
b2: san kaya siya bababa?
b1: naku, baka lumagpas yan...
tapos nakatulog na ulit ako. pero sa bawat istasyon, magigising ako ulit. para bang sinasabi ng katawan ko na baka maiwan ka! tingnan mo kung cubao na! at maririnig ko yung dalawang babae ulit na magcocomment ng ganito...
b1 and b2: (giggling in unison)
b1: uy nagising na siya!
b2: bababa na kaya?
b1: ay natulog ulit...hindi pa siguro.
pagdating sa cubao, "nagising" na ako. at kinuha sa bulsa ng bag ang SV card ko. talaga namang humirit pa yung dalawang babae.
b2: gising na ulit siya!
b1: bababa na kaya?
b2: (pabulong) kumuha ng card...bababa na siguro
b1 and b2: (in unison) hihihi! hindi nalumagpas!
nung una, medyo nainis ako. pero naisip ko ganun din naman ako e. tinatawanan ko rin ang ibang tao ng hindi nila alam. naghahanap lang din siguro ng makakapagpangiti at pantanggal ng pagod. kaya tinawanan ko rin sila. kala nila hindi ko alam. hehehe. :p
kung ako ikaw, sasabihin ko sa kanila na "oo, gising na ako!" wala lang, trip lang ba haha!
ReplyDeletehmmm..what if you just game them a big smile before you left? :D ano kaya reaction nun?
ReplyDelete