dagdag-bawas

naiwan ko ang pitaka ko sa opisina nung lunes. nainis pa nga ako dahil nadiskubre ko lang na naiwan ko ito nung ilalabas ko na sana ang atm ko para magwithdraw ng pera sa may landmark. pagbukas ko ng bag, wala dun yung pitaka. bigla kong naalala na iniwan ko nga pala yung wallet ko sa drawer pagbalik ako sa opisina pagkatapos bumili ng pagkain mula sa jolly jeep sa baba. buti na lang, naglagay ako ng Php100 sa coin purse ko nung umaga. kung hindi, wala akong pamasahe pauwi.

gravy! medyo nakakahiya ah. nasayang pa yung paglalakad ko. e kung hindi ako magwiwithdraw hindi na sana ako pupunta ng landmark. hay. anyway, hindi naman ako kinabahan na baka mawala yung pera ko kasi feeling ko naman secure ang aming opisina at wala namang gagawa ng ganun. pero hindi ako mapakali dahil may issues ako sa pag-iiwan ng gamit. ayaw na ayaw ko na may gamit akong naiiwan e. parang feeling ko talaga may feelings sila. haha. baliw na yata ako. basta, parang security blanket ko ang mga gamit ko.

pagdating ko kinabukasan, hindi ko na tiningnan yung laman ng wallet ko. nilibre rin ako ng isang kaibigan sa isang mamahaling restaurant nung lunch kaya hindi ko na dinala yung wallet ko nung bumaba ako.

nung hapon, nagtanong yung ka-opisina ko kung nakabili na ako ng ibibigay dun sa kliyente namin. sabi niya, siya na lang daw kasi dadaan din siya ng megamall. tinanong ko siya kung may pera siya pang-abono. wala daw. kaya sabi ko, ako na lang mag-aabono tutal kakabayad lang sa akin ng utang.

pagkuha ko ng wallet ko, wala na yung Php500! naroon pa yung iba kong pera pero yung Php500 wala na talaga. nilabas ko lahat ng laman ng wallet ko sa pagbabakasakaling naisuksok ko lang sa mga resibo o calling cards. wala talaga! hinanap din ng mga ka-opisina ko sa drawers ko. wala rin.

sayang. pero hindi naman ako masyadong nalungkot. naisip ko kasi, maraming nanlibre sa akin nung nakaraang linggo pati nitong linggo. at wala naman akong magagawa kahit magmukmok ako. papanget lang ako pero hindi na babalik yung pera. hindi naman nama-magic yun e. at saka, siguro yung nakapulot nun mas kailangan yung pera. sabi nga, everything happens for a reason. dun na lang ako maniniwala. para masaya.

kaya kahapon naglakad na naman ako papuntang landmark. pero this time, inalala kong magcheck kung dala ko yung wallet ko.

1 comment: