you know how in these times there are a lot of modes of communication but still we cannot get our messages across? plus it is in our culture not to be straightforward since we are afraid that we might hurt people or they might misinterpret what we say.
super nakakatawa at nakakaiyak at the same time. feeling ko sobra akong nakarelate. alam mo yung may gusto kang sabihin pero hindi mo masabi? tapos dadaanin mo sa forwarded email or text. akala mo lumilinaw ang mga bagay pero lalong lumalabo kasi hindi maintindihan tuloy ng kinakausap mo kung basta ka lang nagpapadala o may gusto pala siyang iparating sa'yo pero hindi masabi ng diretso.
tapos kung paano nagkakaroon ng "feelings" or "intonation" yung mga messages dahil lang sa itsura nito kung naka-ALL CAPS or lower case letters. kung may Ü sa dulo ibig sabihin pabiro lang o hindi siya galit kahit parang galit yung message. yung mag-aaway kayo dahil hindi nagtetext o dahil sobra-sobra ang text. o dahil matagal na time ang lumipas bago ka nagreply o nakatanggap ng message.
yung unang kwento about sa couple na nag-aaway dahil sa text habang nagdidinner. yung babae kasi pinapansin lahat. yung pagka-all caps, yung walang smiley tapos yung pag-aaksaya ng text. ang palusot ng lalaki, wala raw lower case yung phone nya at walang Ü. sabi ng babae pwede naman gumamit ng colon at parenthesis or colon, hyphen at parenthesis kung gustong may ilong. ang kulit! tapos tungkol naman sa pag-aaksaya ng text, ayaw daw ba niya yun na lagi siyang iniisip etc. haha. so familiar. gravy!
yung second, about 2 taong nagfifish. kung may gusto ba sila sa isa't-isa. haha. sobrang nakakatawa. nangyari kasi ito before sila matulog. tapos ang cocorny nung text at nakakatawa yung mga character. yung tipong sabi ng girl... "toot toot ka na!" tapos yung guy naman magrereply lang sa text message nagsuot pa talaga ng necktie at nagpabango. hehe. tapos yung guy reklamo ng reklamo bakit daw si girl pumapayag makipagdate sa ibang tao pero kapag yung guy nagyaya ayaw niya. tapos nagreply yung girl "wala ka kasing pera!" hahaha. hindi mo alam kung seryoso ba siya or nagpapatawa lang eh. i guess masakit para sa guy yun pero parang pa-cute lang naman na sinabi nung girl. sa dulo nung tinanong nung girl kung may nagmamahal sa kanya, magrereply na yung guy ng "ako" pero biglang naubusan siya ng credits! hahaha. classic!
yung huling kwento naman about sa old couple. old na talaga sila. tipong lolo at lola. tapos yung lalaki laging kumakanta ng "saaad movieeesss, always makes me cryyyyy...." asar na asar yung babae kasi sa 40 years na mag-asawa sila yun lang ang laging kinakanta nung lalaki.nung isang gabi, habang nag-aayos yung babae ng mga nakakalat na plaka at tinatabi sa baul, nakita nya yung lumang leather jacket nung lalaki. tapos inamoy-amoy at niyakap. after sometime nakita nya may sulat na laman. tapos yung message para sa "para sa babaeng aking minahal ngayon". lumalabas sa sulat na yung minahal na babae nung lalaki hindi nya daw na-meet sa altar. syempre nasaktan yung babae. kasi kakacelebrate lang nila ng 40th anniversary nila the day before. natulog siya ng galit.
pagpasok ng lalaki sa kwarto, nakita nya na nakakalat yung jacket so pinulot nya at nalaglag yung sulat. may kadugtong pa pala! kinuha nya dun sa bedside drawer. tapos binasa nya ng malakas. tapos buong 40 years ng marriage nila hindi pala nya sinasabi sa babae yung salitang "mahal kita". tapos kaya pala niya kinakanta yung "saaad movieeesss, always makes me cryyyyy...." kasi yung una nilang pinanood nung babae na pelikula naiyak siya. kaya lagi nyang natatandaan. tapos yun, sinabi nya sa sulat na narealize nya hindi lang pala yung babaeng pinakasalan nya sa altar yung mahal nya at minamahal nya ngayon. kundi yung kasama nya ngayon kasi nagsama sila sa hirap at problema at natiis siya nito in spite of marami nilang pinagdaanan. tapos sa dulo sinulat nya "mahal kita"
tapos after nya basahin sabi nya, "buti na lang hindi ko binigay ito kahapon! ang baduy-baduy! buti na lang nakabili ako ng cake!" sabay tapon sa basurahan nung pagkahaba-habang sulat. tapos natulog siya. pero bago siya natulog, hinalikan nya ng maraming beses yung babae. all that time, nakikinig pala yung babae. tapos hinintay nya makatulog yung lalaki. tapos pinulot nya yung sulat tapos kumanta rin siya ng "saaad movieeesss, always makes me cryyyyy...."
ang tragic. waaah! kakaiyak! naisip ko mas hirap pala tayo ngayon sabihin kung ano ba talaga yung nasa loob natin kaysa yung mga tao nung unang panahon. bakit kailangan magresort pa sa kung ano-ano e pwede mo naman sabihin ng diretso?
---------
sana mapanood ito ng lahat ng kakilala ko. ang cool kasi sobra. ang galing pa ng actors. by watching a play you are supporting KOINE's Theater Foundation.
For more information and for a schedule of plays....
KOINE One Act Plays
Call: 410-4485
Visit: 2/F Forab Bldg., 21 Kamuning Road (near Red Ribbon sa intersection ng Kamuning and Edsa)
only Php150 per ticket for 2 plays
waah!!! ang cute naman nung huling story... hehehe, gusto ko tuloy mapanood hehe. classic pa rin yung, "toot toot ka na!" hahahaha! grabe, natawa ako nung nabasa ko yun hehehehe. :)
ReplyDeletegravy. kahit mahilig akong magsabi ng totoo, naiintindihan ko kung bakit ndi pwedeng sabihin lahat ng nasa loob mo. kasi, pwedeng ndi ito magustuhan ng iba. at natatakot tayong malaman ang katotohanan kung tatanggapin ba nila ang sasabihn natin o ndi. pati kung ano ba magiging consequence nito. kaya nagtitiis tayo na itago ang tunay nating saluobin... para "safe".
ReplyDeletepalabas pa ba ung mga play na yan? parang astig e. hehe. pero ang tanong? san ang kamuning? at pano pumunta don? wehehehe. tamo, kahit wala akong alam sa daan, inaamin ko! wahaha. sori sori.
ReplyDeletei can relate!!!
ReplyDeleteminsan lang siya pinapalabas eh. hayaan nyo, sabihan ko kayo kapag pinalabas ulit. hehe. minsan play naman ang gimik natin! pero marami pang ibang play na maganda. yung una kong napanood...stealth mode at supressed desires maganda rin!
ReplyDeletehamo mike, bibigyan kita ng map!
gusto ko rin manuod! kaso di ko rin alam kung san yan. :(
ReplyDelete