ayoko na maligo! ayoko na matulog!
dahil darating na si kaye, naghuling hirit si mike na movie with MGC (kahit hindi kumpleto). nanood kami nila ava ng Dark Water. gravy. di ko akalain na matatakot ako. haha. etong dalawa, akala ko naman hindi affected. pero bandang huli, napapatago na rin sila. hehe. wala pa naman akong dalang jacket. buti pinahiram ako ni mike kahit see-through yung jacket nya so wala ring silbi. nakikita ko rin ang kalagiman. haha. nakakahiya. ako lang ata ang tumitili sa sinehan. hahaha. buti na lang hindi ko naman kilala ang mga tao.
pero kaya naging creepy yung movie para sa akin, kse may ganung spot din sa kisame ng kwarto namin. actually halos lahat ng kwarto dito sa bahay may ganun. hahaha. tapos may bath tub din kami. buti na lang walang glass encasing kung hindi, hindi na talaga ako maliligo. hehehe.
----------
may nadiscover ako na cool website ng dark water! http://darkwater.movies.go.com/experience.html pwede ka pumunta sa apartment nila at mag-explore. hehe.
salamat sa weekdays with Mike and MGC. hehe. isa sa mga memorable experiences ko yung bonding natin. hehe. maligayang pagbabalik kaye! miss na miss ka na ni mike! haha. binantayan namin siya habang wala ka. hehe. buti naman hindi na namin siya pasanin. hehe. joke lang mike! :p
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

grabe..napatingin ako sa ceiling dito sa room ko..
ReplyDeletesi ate cla, matatakutin talaga... hehe. pano yan? wala nang MGC? disbanded na ba tayo? =( sayang hindi ako nakasama last week. waaah...
ReplyDeleteHindi kayo nagyayaya!!! Hehehe, gusto ko mapanood yan kaso baka di rin ako makatulog hehehehe. Yung ligo okey lang, hindi naman talaga ako naliligo eh, okey na ang wisik wisik hehehehe jk!
ReplyDelete