piso na nga lang eh

nung sabado, habang nakasakay sa jeep na bumabaybay sa Q. ave, nag-aaway yung driver at mag-asawang pasahero.

lalaki: ma, magkano ho ba papuntang sandigan?
driver: 17 pesos!
lalaki: 17?! aba, eh 16 lang sinisingil sa amin ah?
babae: manong, araw-araw kaming bumibiyahe, 16 lang ang singil bakit sa inyo 17?
driver: (pasigaw na galit) 17 ho talaga. kung gusto nyo bumaba na lang kayo. itanong nyo sa ibang driver.
lalaki: (pasigaw din na mas galit) pambihira! grabe naman. tsk tsk...
babae: (kausap ang ibang pasahero) bakit ganun? eh araw-araw nga kami sumasakay...

hay...

kung tutuusin piso lang yun pero napakalaking bagay na. iba na talaga ang panahon ngayon. tsk tsk. hindi ko malaman kung sino ang kakampihan. hindi ko naman alam kung magkano talaga ang singil hanggang sandigan. hindi mo naman masisisi ang driver kasi mahal na talaga ang gasolina. tapos hindi mo rin masisi yung pasahero dahil hindi naman nagtataas ang pasahod. gravy.

2 comments:

  1. sinabi mo pa!

    dati, may nakasabay din ako, nagalit ung pasahero kasi hindi siya sinuklian. tapos sabi niya sa aming mga kapwa niya pasahero, "dapat hinihingi niyo yung sukli! kasi hindi na yan ibibigay!"

    ayun lang.

    ReplyDelete
  2. waaah!!! ako din nakikipag-away sa ganyan.. hirap kasi ng walang pera.. hehehe...

    ReplyDelete