love is sweeter the second time around

Gravy! Hindi ko inakala na mararamdaman ko ulit ang ganitong feeling. Hay…

Akalain mo, medyo late na ako nakaalis ng bahay kaya kinakabahan ako. Baka kasi mahaba ang pila sa shuttle. Pagdating ko dun, may dalawang pila na. oh no! late na naman ako nito. Pero biglang may dumating na dalawang fx. Akalain mo, nakasakay ako agad! Medyo masikip nga lang dahil ang taba ng katabi ko. Pero ayos lang. at least nakasakay ako agad. Yun naman ang importante eh.

Nagsimula ng magbayad ang mga tao. Dahil nakaupo ako sa bandang gitna, malamang ako ang mag-aabot sa driver. Nagulat na lang ako nung tinawag ko yung driver para iabot ang bayad. Oh my goodness! ....so its you….i’ve been waiting for so long…. Tama ba namang kumanta pa. hehe. It’s manong Mr Clean!!! Grabe. Life is full of surprises. To think na medyo naiinis ako dahil malalate ako. Eto biglang gumanda ang araw ko. God is good talaga!

Kaya pala familiar ang driving maneuvers nya. Hay. Ang ingat-ingat sa mga lubak. Tapos ang linis-linis, syempre tiningnan ko ulit yung mga kuko. At take note, nakita ko na rin ang mukha nya sa wakas! Ang pogeeeeee! Hehehe. Grabe na talaga ito. Hindi kinaya ng powers ko. Talagang napangiti ako. Yung lagpas tenga ha. Tapos the whole time tumitingin lang ako sa rearview mirror. Ang ganda ng mga mata nya. Para akong natutunaw na ice cream.

Isa lang ang masasabi ko sayo manong…pwede ka bang mahalin?

6 comments: