a date with oompa loompas

MGC with mike

waaaaaahhhhhhh!!! gusto ko rin makapunta din sa Chocolate Factory ni Willy Wonka!!!

nung tuesday, lumabas ang Makati Girls Club (MGC) kasama si mike. nanood kami ng Charlie and the Chocolate Factory! hahaha. nakakaaliw ang kwento, nakakatuwa yung mga kanta, cute ang costumes at maganda yung set. pero weird ang mga oompa loompa. mukha silang mga tambay sa kanto na manyakis...pint-sized version nga lang.

pero ang tanong na hindi nakapagpatulog sa akin ay...nung pinapili ni Willy Wonka si Charlie kung sasama siya tumira sa Chocolate Factory at iwanan ang pamilya niya. feeling ko, ako si charlie, na parang ako yung tatanungin. kaso hanggang ngayon hindi ako makapili kung chocolate or family...

masama ba ako?

3 comments:

  1. ano b yan! anlaki ng mukha ko! hahaha. gravy. tara! sa tuesday ulit! hehehe.

    ReplyDelete
  2. In the actual set ng movie, napanis yung chocolate river before sila matapos mag-shoot. Sobrang sama daw ng amoy! (Gusto mo paring pumunta? eheh Ü)

    ReplyDelete