reunited with juday


Mean Girls Inc. (Clockwise from left) Ju, Car and me

sobrang saya ko at nakita ko ulit si ju. isang taon din kami nagsama sa trabaho. sa magkapatid, siya si juday, ako si ate shawie...dahil ininsist niya. teehee! marami na kaming napagdaanan na kung anu-ano. kaya nga nagpapasalamat ako kasi kahit gaano kahirap yung parusang trabaho namin kasama ko naman siya.

ju, miss na talaga kita!!! you are definitely one of a kind. miss ko yung:
  • "star in a million" sessions natin (oy ha, sabi mo sasali tayo...kailangan matupad ang mga pangarap natin. tinabi ko pa rin yung video mo na kumakanta ka)
  • yung mga gimmick, movie, at dinner sa rob/gbelt after work
  • mga takas trips to paco's palengke. (hahaha. remember nung namalengke tayo with Car?!? feeling close si manong. ikaw kse, masyado kang concentrated sa pagpili ng mga ponkan. tapos nagkalat pa si Car ng mga lansones sa kalsada at pinulot natin isa-isa.)
  • yung mga panlalait natin sa mga... BBB, bubwit, fishy/snoopy, etc! muntik ko na palang makalimutan ang paborito mong si MONCHANG!!! hahaha. nakakatanggal talaga ng stress!
  • walang katapusang photo shoots na hindi namimili ng lugar at oras
  • mga counseling sessions natin (aww, wala na akong ate na laging magbibigay ng payo at tips...)
  • survey questions mo during lunch tulad ng: anong mas gusto mong luto sa chicken? fried, broiled, o roasted?
  • ang pambababoy natin sa mga itsura ng mga opismeyts tuwing wala tayong magawa...panalo talaga ang photoshop! natandaan mo ba ang bonakid poster natin? hehehe. teka, kelan natin itutuloy ang balak nating Mean Girls calendar?
  • 1 hour chika araw-araw bago magseryoso sa trabaho para mag-update sa isa't isa tungkol sa nangyari sa atin kahit na magkasama tayo buong araw, sabay tayo umuwi, at nag-usap pa tayo sa telepono nung gabi.
  • sharing ng mga tips na kakailanganin ko....balang araw *wink wink*
  • mga masasarap mong baon. hehehe. kelan ba ako pwedeng makikain sa inyo? hehehe.
  • book and dvd swaps natin (nga pala, nasa akin pa yung "i know this much is true" tsaka yung dvds mo na hero and if these walls could talk. kapag nagkita tayo ulit, ibabalik ko na.)
  • yung surprise gifts mo sa akin...kahit simple lang na ponytail holder na-appreciate ko yun. (yung mini skirt hindi ko pa rin nasusuot. kita talaga kaluluwa ko dun! baka magkasala ako. hehehe. este sila. wahaha!)

sobrang dami pa nating magagandang memories. and im sure marami pang susunod! see you and Car sa june!

1 comment:

  1. sabi na nga ba't me star in a million dreams ka rin! mag-audition ka!

    ReplyDelete