kanina ko lang nalaman. patay na pala si sir pesigan. lung cancer. ang sad.
naalala ko pa nung freshie pa ako. ayaw na ayaw ko yung poetry class. nakakatakot kasi si sir. mapipilitan ka kasing mag-isip ng malalim. hindi lang tungkol sa poems or poets na pinag-uusapan. pero about life in general. feeling ko, mas bagay na title ang "conquering your fears" kaysa sa "introduction to poetry".
nung time pa na yun, puro boys lang nasa isip ko eh. ayoko magpadistract. hehehe. convent-bred kasi kaya repressed. samahan mo pa ng super strict parents. ewan ko na lang. kaya tuloy madalas ako matawag ni sir. lagi kasing lumilipad ang utak ko eh.
every MWF nagwiwish ako na free cut kami. pero ni isang beses ata hindi nag-absent si sir pesigan. sabi nga nya, sayang daw ang binabayad ng mga students kung hindi magkaklase. nung isang beses na nagkaroon ng free cut, hindi dahil absent siya. kundi dahil nagalit sya sa amin. ang ingay kasi ng klase. pinalabas tuloy kaming lahat.
pero ang hindi ko makakalimutan sa kanya, tuwing lunch break na tumatambay ako sa GR tapos mapapadaan sya galing Dela Costa papuntang caf, sisigaw lang ako ng "hi sir!!!" tapos dali-dali syang lalapit sa akin. nakatambay man ako sa labas ng GR o nakaupo sa loob ng room. tapos kakamustahin na niya ako o kaya tatanungin kung anong bagong kwento. na parang sobrang close namin. hindi ko nga alam kung bakit ako natatakot sa kanya dati.
nakakalungkot lang. wala na ang GR. wala na rin akong tatawagin tuwing mapapatambay ako. mamimiss kita sir pesigan! sana magkita tayo ulit...
favorite ko rin siya. that's sad news.
ReplyDeletenaging teacher ko rin si pesigan. delinkwente nga ako sa class niya nung una, pero naging ok din towards the end. pareho tayo cla, nagchichikahan kami pag nagkikita sa labas ng classroom. may he rest in peace.
ReplyDelete