as the commercial goes... cholesterol!
hay naku. inupakan na naman ang mga mamantikang pagkain. buti na lang hindi pa ako hina-high blood sa mga pinagkakakain ko. napapaisip tuloy ako kung babalik ulit ako next week. baka masobrahan ako ah. pero bakit ganun? hindi pa rin ako tumataba. dumadami lang ang pimples ko sa mukha. hay.
nakaka-guilty. wala na akong ginawa kundi magpakasarap sa buhay. bakit ganun? kapag masayang-masaya ako, bigla kong naiisip na sa isang parte ng mundo, may mga taong hindi man lang makakain. naaalala ko yung mga batang lansangan sa dati kong trabaho na nagkakalkal ng basura, natutulog sa kalsada. pero wala akong maggawa. wala akong ginagawa. ganito ba talaga?
kailan kaya magiging guilt-free ang happiness?
No comments:
Post a Comment