As always, nagFB na naman ako and i found this quote dahil sa post ni Jumie:
Letting go is the easy part. It's the moving on that's painful. o sometime we fight it, trying to keep things the same. Things can't stay the same though. At some point you just have to let go, move on. Because no matter how painful it is, it's the only way we grow. - Meredith Grey
So true! nagstart na ako maglet go of things. one item a day or every other day. kahit ayoko. dahil maraming nakakabit na memories. o baka dahil may pagkasentimental lang ako. ang hirap. everyday is a struggle to be happy. kahit may mga tao o bagay na nakakapagpasaya naman sa akin, nararamdaman ko pa rin na may nawala. :( ang hirap magmove on. tumalikod at tumingin sa hinaharap. maging hopeful at positive.
mahirap din lalo na kung hindi naiintindihan ng ibang tao kung bakit. at kahit gusto mong iexplain at subukan iexplain, hindi nila maiintindihan. ikaw nga mismo hindi mo maintindihan eh, tapos gusto pa nila iexplain mo sa kanila. minsan di ko rin maintindihan bakit kailangan nilang malaman. bakit hindi ka na lang hayaan hanggang maging handa ka na ishare kung ano man ang gusto mo ishare. bakit ba feeling ng mga tao entitled sila na malaman ang dahilan?
ngayon ko lang naintindihan kung bakit hindi dapat masyadong matanong sa ibang tao lalo na kung sensitive ang topic. kung bakit kailangan mo magbigay ng time and space. sana maisip din ng iba yun.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteAm I guilty of this? Hehe sorry if I am. I tend to be makulit at times when I'm trying to help, but I try to get a feel on whether the person wants a listening ear or just space to think.
ReplyDeletehaha! hindi ikaw yan! :p
ReplyDelete