perang papel

kakaiba ang pera sa HK! may plastic! hehe. ayoko nga gastusin yun mga pinapalit ko kasi pwedeng souvenir. kaso no choice dahil maraming gastos at ayaw ko na magpapalit pa ng pera. kaya ang natira na lang yun 10HKD na papel este plastic pala at saka mga coins. yey! collection!

may kapansin-pansin sa pera ng HK:

1. hindi siya lukot. lahat ba ng tao dito gumagamit ng wallet? sosyal! kahit sa bangketa lang kami bumibili crispy ang mga pera nila! talagang walang mga tupi ang pera. kakaiba. malamang hindi sila gumagaya sa akin na nagtatago ng papel sa bra o medyas kapag medyo malaking halaga ang dala. (too much info na ata)

2. walang amoy. e hindi ba dito sa Pinas medyo may amoy ang pera. lalo na kapag luma na, parang galing sa baul. hindi lang pala parang galing sa baul kundi mukhang nilibing na at saka hinukay. reincarnation ang tawag diyan.

3. walang sulat. hindi uso ang penpal at self advertisement. hihihi. hindi ba ang pera natin kung ano-ano ang nakasulat? kesyo may numero ng telepono, pagpapahayag ng pagmamahal o pambuburaot. minsan may kung anu-anong drawing pa nga eh.

4. sponsored! dito lang ako nakakita ng pera na sponsored ng iba-ibang bangko. isipin mo nga isang bill pero iba-iba ang nakasulat. bakit di kaya natin gawin sa Pinas yun? mas lalaki ba ang halaga ng pera natin kung ganun?

sa HK lang ba ganun?

1 comment:

  1. Hi Cla! sa Hong Kong kasi iniissue ng Tatlong malalaking bangko ng Hong Kong ang pera nila di gaya sa Pilipinas o sa US na gobyerno ang nagiissue at nagseseguro ng halaga nito. HSBC at Standard Chartered yata yung dalawa sa mga bankong inyon yung isa di ko na maalala) jet setter ka na ngayon ah! san naman ang susunod mong lakad aber?

    ReplyDelete