curiosity killed the cat. hindi naman ako namatay at hindi rin ako pusa. pero grabe its eating me alive!!! pinapatay ako sa kakaisip. whether to give meaning or not. kasi naman e. mga dapat di pinakikialaman, pinakialaman pa. ayan tuloy. ilang gabi na naman akong di patutulugin nito. wala namang madaling alternative. one way or another, kailangan talaga harapin.
pero ayoko pa ngayon. saka na lang. sana paranoia ko lang ito. sana talaga. nakakapagod na eh,
sa isip,
sa puso,
at sa gawa.
mali ata, parang kinuha sa panatang makabayan yun ah. daanin na nga lang sa tawa.
pero sana talaga mali ako. please Lord.
ayoko sa lahat yun wala akong alam. o hindi ako sigurado sa alam ko. sige na, trust issues, but i really can't help it. can you blame me? sa tingin ko naman di ako naging irrational and i have every reason to feel this way.
on the other hand, karma ba ito? ano bang ginawa ko to deserve this? is it because i have not been the perfect daughter, student, employee, friend, girlfriend, etc?
sana may kausap ako ngayon. para malabas ko lahat ito ng walang emotional hang-ups, pero sa kamalasan ko, wala akong choice. ano pa nga ba at nasa gimikan ang mga tao dahil saturday ngayon at may social life sila. kaya pasensya. dito na lang ako magsusulat. kahit di ko pwedeng sabihin lahat. kahit papaano gumaan ang loob ko.
tsaka ko na nga lang iisipin. magpapabaon na lang muna ako sa trabaho...
dahil hindi napapansin ang oras kapag busy ka
dahil wala kang ibang iniisip
dahil walang feelings involved
dahil sa trabaho...trabaho lang.
walang personalan.
bow.
why o why?
ReplyDeletedelilah? wehehe. nahkoh... wat is dis? tel me why... ain't nothin but a heart ache... - bsb
ReplyDeleteayos na yan! haha! go ate cla, yakang yaka yan. :)
ReplyDelete"whether too give meaning or not"
ReplyDelete