"in" makes all the difference

kagabi, bumaba si charlie sa sala kung saan nanonood kami ni noel ng veronica mars habang nag-uusap. hindi ko malaman kung bakit siya tumatambay kasama namin. madalas naman umaakyat siya agad dahil gabi na at kailangan niyang matulog dahil kung hindi, siguradong mapapagalitan siya. maya-maya, bumaba na si daddy.

daddy: nasabi mo na ba sa ate mo?
charlie: hindi pa.
cla: ang ano?
daddy: kung pwede mo siyang ihatid sa saturday...
cla: bakit? ano meron?
charlie: wala. e kung pupunta ako.
cla: saan nga?!
daddy: kasi may soiree sila sa saturday
noel: yihee!
(sa mga panahong ito, medyo naiinis na nahihiya si charlie)
cla: saan ba?
charlie: sa bahay ng kaklase ko.
cla: saan nga?
charlie: wait. kunin ko yung directory.
daddy: so ok na kayo ha?
cla: somebody's going to lose the pustahan... (excuse my taglish.Ü)
noel: wow, charlie may soiree kayo! gusto mo bihisan ka namin?
charlie: ayoko nga.
cla: yihee...girls!
charlie: hindi maglalaro lang kami ng classmate ko.
noel: charlie, kaya nga may soiree para matutunan mo mag-interact with girls.
charlie: eeeehhhhh...
cla: i'm sure maiinis ang mga girls kapag ganyan.
noel: dapat sumali ka. meron mga seven minutes in heaven...

sa puntong ito isa lang ang paulit-ulit sa utak ko...seven minutes...seven minutes...seven minutes...

lekat! sinong ka-seven minutes ni noel?! ok, ok! hindi pa kami magkakakilala nun pero wala lang. syempre, gusto...wait! scratch that! kailangan! kong malaman.

AND the bigger question is...ano ba nangyayari sa ganun? syet. di pa ako nakaranas sa tanang buhay ko makipag-soiree (btw, ang basa ko dati sa salitang ito ay soy-ri). i am so deprived. blame it on the nuns! kaya pala ako nagkaganito...sabik!

huhuhu. my little brother is growing up! bINata na siya! hanggang ngayon, iniisip ko pa rin bata siya. ang bilis talaga ng panahon. at least may mga times when i can still pretend na little boy pa rin siya. tulad kapag nagpapasama siya sa kwarto niya para matulog. mana sa ate, takot sa dilim at sa pag-iisa. Ü

9 comments:

  1. awwwh ang cute ni charlie! haha. yikeeeee soiree! ako rin di ako nakaranas. i dont need it! haha. go co-ed :)

    yung seven minutes, nag-uusap lang ata sila e.. parang speed dating? haha. matanong nga rin si guiller!!!!!

    ReplyDelete
  2. pahabol... natatawa ako kay noel. "gusto mo bihisan ka namin?" yehesss KUYA NOEL! :)

    ReplyDelete
  3. hahaha. hmpf. i am so clueless. anyway, gusto pa nga ni noel bumili kami ng wardrobe for charlie just for that e. haha. ako gusto ko sumama. haha. nawe-weirduhan na sa amin si charlie. mas excited pa kami kaysa sa kanya.

    ReplyDelete
  4. hahaha.. kasi naman exclusive parin ang ateneo high. XD

    i'm really amazed at how girls can recall conversations exactly as they happened, in a script-like form pa! galing! :D

    ReplyDelete
  5. chris, HAHAHAHHAHA! girls lang ba nakakagawa nun? =D

    ReplyDelete
  6. nakakamiss ang soiree! pero mahiyain kasi ako eh hehe. naalala ko noon, poveda soiree, dahil sa puro bakuran na yung ibang gboys sa girls, nanood na lang kami ng pinapakaing arowana, haha! fun! haha! si elmer ata kasama ko nun eh hehehe. :P

    i miss high school...

    ReplyDelete
  7. @chi:
    common yan sa girls. most guys, summary/gist nalang ang mare-recall instead of the line by line conversation. XD

    ReplyDelete
  8. hahaha. hindi kita maimagine na mahiyain pitt! :p

    ReplyDelete