better late...than later

pasaway na naman ako. lagi na naman akong late. well, lately pala once a week nalalate ako. consistent ako sa pagiging inconsistent. hehe. ang labo.

at dahil wala ngayon si... makakapagblog ako. Ü

sa office...

...wala pa rin akong mahanap na kapalit!!! waaaahhh!!! baka may kakilala kayo diyan na gusto magmarketing for an IT company. email your resumes to me at clarisse@acapacific.com.ph. sige na please.

...malapit na month-end! 18% pa lang ako ng quota ko. huhuhu. kailangan talaga makahabol ako, if not this month next month. kailangan kong maabot ang quarter quota para maka-avail ng triple-your-salary incentive. syet. sayang din yun. pwede na akong bumili ng phone, kotse, bahay at lupa. haha. joke. asa pa. sana na lang totohanin ang pangakong cebu trip for two. langya. kinarir ko pa naman yun.

...aalis na si clark papuntang dubai. kahapon pinapasok yun kapalit nya. natakot ata sa mga gurls. haha. hindi pumasok today. loko-loko kse itong mga ito e. na culture shock ata sa first day. hehe.


sa bahay...

...last weekend nag-away kami ng nanay ko. and for a time di kami nag-usap. mababaw na may pinag-ugatan na mas malalim. pero ok na ata kami ngayon. di na pinag-usapan. pero ganun naman sa amin ever since e. hindi pinag-uusapan ang mga pinag-aawayan. kaya ayan, balik ng balik. plus, pare-pareho kaming stubborn (ipinamana ito. Ü) kaya kahit pag-usapan...walang nangyayari.

...may problema ata si... pero di naman siya nagsasabi. ayoko naman mangulit. pero as of last night, mukhang ok naman siya.

... nabangga ni con yun kotseng puti. ewan ko ba. ipapagawa daw ni daddy. e sa tingin ko, mas marami pang ginastos sa pagmamaintain nun. siguro kaya din ayaw i-let go kasi ito ang first na kotse na binili ng tatay ko. yun pinaka-una nya kasing kotse bigay ng lolo at lola ko nung nakapagtapos siya ng pagdodoktor. heehee. naiimagine ko na si daddy...cruisin' sa bulubundukin ng cagayan at isabela. haha. ang weird.

...si kat, e di ayun. asa dorm. haha. communication thru text. sabi na nga ba sa globe...lahat possible. hehe. pano kaya namin ililipat yung computer sa dorm. sana lang gumagana at baka masayang ang pagod namin.

...si charlie, nagyayaya manood ng click. baka manood kami sa saturday. that is kung payagan siya ni ma. hehe.


sa buhay pag-ibig...

...e di masaya. hehe. lately napapadalas ang pagsama namin kila papu at yeg. haha. mas madalas ko pa sila makita kaysa kay chi. hehe.

...binigyan ko siya ng 2 book ng sudoku. haha. kakainis. isa pa lang ang natatapos kong set. yung kagabi na sinimulan ko, di ko na tinapos. lekat. ang hirap. ang utak ko talaga di pang-math. buti pa si babuy.


sa kung anu-anong bagay...

...sa wakas! nakabilia ako ng flats! hehe. medyo mahal nga lang dahil sa charles and keith pero super cute. hehe. at pink siya. yehey! oh, at kaya nga pala ako gumaling sa sakit (lalagnatin yata ako nung monday) dahil dito. hehe. shopping is the cure for everything...almost!

...may hinihintay akong pink na bag naman na binili ko c/o papu. yehey. terno!

...napansin ko mas hindi ako stressed ngayon kasi hindi ko na iniisip ang trabaho kapag nakalabas nako ng office. hehe. yun lang pala yun.

...malapit na umalis si brendy girl. :( at di ko pa rin alam kung may overnight or dinner ba kami. busy kasi ang mga tao.

...malapit na kami magkita nila ju, leah at jonats. ang mga kaibigan ko sa dako pa roon!

...nakita ko si bonita sa diyaryo today. may supplement kasi tungkol sa 8th anniv ng bbdo. e sa proximity na siya nagtratrabaho ngayon. sister company ata ng bbdo. hindi ako sure. hehe. anyway, nakita ko rin yung ad na inayos namin nung time na nagtratrabaho pa ako sa NGO. ang daming awards na nakuha ng bbdo para dun. kaya congrats! Ü job well done! nakakamiss tuloy ang mga meeting at shooting. hehe.

...si pj, theater actress na talaga. hehe. napanood namin siya nung isang gabi. galing! kasama ko pala manood si con, kat, noel at mga pinsan/tita (anabee, vanessa, rona). ang saya!

3 comments:

  1. ate cla!!! oo nga hindi na tayo nagkikita :( bakit nga ba? si boyps kasi inuubos oras ko hehehehe. di bale, one of these days magkikita rin tayo! :D

    alam mo, kamukha nung friend mo na commercial mowdel si toni gonzaga hehehe =D

    pupunta ka ba sa gabay bday?

    ReplyDelete
  2. haha. may gip kami sayo ni babuy. haha.

    bakit? san mo nakita? nanonood ka ba sa Qtv? may show siya dun e. haha. oo nga, kamukha niya.

    yes punta ako. punta ka!

    ReplyDelete
  3. oo nga e, may flyer dito from QTV nung show niya.. naalala lang namin ni Guiller na kamukha niya, lalu na nung nagpagupit si Toni.

    Di ko pa sure yung sa sabado! Pero more likely than unlikely hahahah.

    ReplyDelete