lucky week

ang sarap ng feeling na matapos ang gabi-gabing pag overtime sa trabaho para masunod ang hinihingi ng mga kliyente ay mapupuri sa harap ng ibang tao para dito.. yehey. ganda points galore!

at mas masarap ang feeling na dahil sa sobrang pasasalamat ng kliyente naisama ko si noel sa aming event. at naramdaman ko ang pangangailangan sa aking "talents" (wahaha!).

ang saya-saya. nag-enjoy kami sa libreng pagkain at palabas sa Tavern sa Greenbelt. another first for me (and noel din siguro as a couple). hindi ko pa nararanasan manood sa mga ganun e. feeling ko kasi ang mahal. haha. eh true to form, kuripot talaga ang lola nyo.

----------
ang saya ng feeling. hindi na ako ang naghahabol sa mga kliyente ngayon. aba, ako na ata ang tinatawagan! at ewan ko ba kung anong meron ang linggong ito (aside from meron ako) dahil since monday, nakabenta na ako sa tatlong kliyente. yikee. konti na lang, quota na!!! sana tuloy-tuloy ang swerte. hehe. woohoo! looking forward sa aking commission. sana... *crosses fingers*

No comments:

Post a Comment