magkaiba tayo

nakakatawa kung paano nakikita sa mga simpleng bagay ang pagkakaiba ng mga tao.

magkachat kami ni pitt kanina. pinag-uusapan ang isang tao na nakilala nya sa trabaho na sa palagay ko ay kakilala ko rin. dahil kulang-kulang ang impormasyon na alam namin para maikumpara kung iisa nga ang tinutukoy na tao, nauwi sa pisikal na anyo. tinanong ko siya kung may nunal ba yun tao.

tama. nunal!

e kasi naman, kapag ibang physical attributes, subjective! pwedeng yung matangkad sa akin, maliit sa kanya. o kaya pano naman nya sasabihin na pogi ang lalaki kung hindi naman siya babae. at least yung nunal medyo common ang idea ng mga tao. hehe.

No comments:

Post a Comment