ok naman ang client call ko kahapon. mababait sila. and not as obnoxious as i expected. hehe. kaya fun fun. nagkita pa kme ng friend ko dahil hinatid namin (kasama ko kasi si noel...bodyguard) sila sa next appointment nila. buti na lang dinner yun dahil kung hindi, napagastos ako ng todo. haha. eh ang kuripot ko pa naman. hindi naman kasi reimbursible yun e, manggagaling sa sarili kong bulsa. e ako nga, pinipigilan ko kumain sa mga sosyal na lugar e, pang super special occasion lang talaga. tapos ililibre ko sila? gravy!
napag-usapan ang pagbisita sa opisina nila sa baguio. hehe. sana nga matuloy. may 4 na clients pa ako dun e. haha. at syempre, pwedeng iplano ito in such a way na kasama ko si noel pagpunta ko dun. yehey. may tourist guide pa ako. haha. pero payagan naman kaya ako?
saka ko na nga proproblemahin. balik trabaho muna para makabenta. hehe.
No comments:
Post a Comment