touched naman ako. kahapon nagyaya sila chi at guiller. pupunta raw si kuya albert dito sa makati at maglunch daw sa yellow cab. ang dami kong work pero naisip ko na dumaan.
pagdating ng lunch, sinamahan ko si jenny sa rcbc para bumili ng food para kay boss. bumili na rin kami ng lunch. umandar na naman ang pagkakuripot ko. hehe. dahil sa pagtitipid, ang nabili ko lang tuloy ay stuffed pandesal. loser.
pagbalik sa office, kumain at nakipagchikahan ng konti para mawala ang stress. sobrang dami kasing work. parang nalulunod na nga ako at lately nagiging irritable na ako, accdg to noel. hahaha. sorry. pagbalik ko sa desk ko, nareceive ko ang text ni chi na andun na sila sa yellow cab. kaso tapos na ang lunchbreak kaya di na ako pwede bumaba.
laking gulat ko na lang nung tinext ako ni chi na dadaanan daw ako dito nila kuya albert kasama si guiller, bel at arlene. wow! special! hahaha. touched naman ako. ako pa talaga ang dadaanan. medyo kinabahan ako at dali-daling pumunta ng banyo. ano kaya ang sasabihin ni kuya albert kapag nakita nya ako? siyempre toothbrush to the max, para hindi naman kahiya-hiya ang hininga at baka lumayo sila sa akin. hehe.
pagdating nila, konting explanation about work. may training kasi yun kabilang division. tapos konting kwentuhan at syempre, di mawawala ang kodakan moment. maya-maya, nagpaalam na rin dahil marami pa silang bibisitahing kaibigan sa makati. aalis na pala si kuya albert next week. :c
----------
to kuya albert:
salamat sa pagbisita! at salamat sa chocolate! next time may ga-blogger reunion na talaga. hehe. sana mas matagal ka na magstay. Ü
ga-blogger.. hehe
ReplyDelete