24 and loving post-its

thanks sa lahat ng nakaalala! Ü touched naman ako. pati yun mga taong hindi ko masyadong ka-close naalala din na bumati. Ü medyo sad nga lang.

una, kasi isa ito sa mga birthday na gusto ko sana kasama ang family kaso wala sila ma at daddy. tapos si tin hindi natanggap ang email ko na sa bahay kumain. :( kaya ang kasama ko si noel babuy, con, kat, charlie at ate marissa (na kasama namin sa bahay). pero ok na din. masaya pa rin kahit papaano. tsaka nagcelebrate din naman ako sa office.

pangalawa, meron akong mga inexpect na mga tao na babati sa akin...kaso nakalimutan ata nila. pero hindi ko naman sila idi-disown as friends. tampo lang ako ng konti. hehe. kaya kung ikaw yun, dapat magregalo ka. hahaha. joke!

pangatlo, kasi hindi pa ako nagcecelebrate with ibang friends. dami kasing trabaho e. baka post bday celebration na lang. hehe. wait lang kayo dyan.

on the other hand...natanggap ko today ang isa sa mga bagay na gustong-gusto ko matanggap...post-its! i'm so happy. it really made my day! thanks lyn! hehe. may nakaalala pala ng small hints ko. hehe. yehey. i am living my colorful post-it life. kaso kailangan kong kuriputin ito dahil dalawang sets lang per color. baka maubos agad. hehehe. syempre gustong-gusto ko rin ang gift sa akin ni babuy. pero syempre sa amin na lang yun. hehe. *wink wink* :p

sana everyday birthday! ay wag pala, madali akong tatanda. haha.

----------
wala akong birthday candles to blow! :(

No comments:

Post a Comment