ang eventful ng past week ko. lalu na nung weekend.
fri:
10am: client call with Pam
malapit lang naman sa office. sa may Park Square. first client call ko 'to. tatanga pa ako. nakalimutan ko maglagay ng new batch ng calling cards sa wallet ko. buti na lang may natira pang 2. hindi ko masyadong nakuha ang pinag-uusapan dahil may mga bagay na masyadong technical para sa akin. marami pang kailangan aralin.
pm: calls
halos 3 days kasi ako mawawala next week kaya dapat sagad-sagarin na ang time this week para maaccomplish lahat ng pwede.
7pm: meet with chi and miggy
6pm dapat kami magkikita ni chi. e since kaya naman humabol ni miggy ng 630, hintayin na lang namin siya. ang kaso, 7 na rin nagkakitaan. may sort of weird experience sa LKG. pero ayus lang. Ü
8pm: meet at dencio's with gabay peeps for ava's "surprise" thingie
830 na kami nakarating nila chi. late din ang mga tao. yung surprise parang hindi surprise dahil expected na rin at halata naman kami. lumang tugtugin na ata. hehe. kaya dapat sa birthday ko iba naman! *hint hint*
sat:
9am: meet with officemates for Tuesday's presentation
nakakainis lang na maaga sana ako kung hindi lang sira ang stoplight at every five seconds lang nagpapalit. ang tagal tuloy bago ako makarating sa kanto ng santolan coming from gilmore. pero ang cool! mga 2hours lang kami nagwork. tapos agad. iba talaga kapag team effort. hehe. chikahan session after. haha. ang saya magbonding. tapos since maaga pa, nakikain na rin ako ng lunch. mmm...sarap! chicken curry + fried chicke + strawberry ice cream = busog at masakit ang tiyan! hehehe.
1230pm: meet with Sassy girls at Cibo
buti na lang malapit lang sa bahay ng officemate ko. kain again dahil libre ni Sue who celebrated her bday yesterday. hehe. at parang hindi pa ako kumain. hahaha. syet matakaw na talaga ako. may explosive news na nareveal! hehe. sayang wala si andrea and val. kahit kulang kami, ang kulit naming apat. ang ingay-ingay namin talaga mag-usap. reminds me of our college days. hay.
330pm: clothes shopping at greenhills
before going there, naisip ko na agad na yung 1k ko dapat masulit at mapagkasya ko for 3 blouses. aba, akalain mo, may sale sa meg! 3 for 1k! hehe. o diba? mga 15-20 minutes lang ako sa loob tapos na agad ang shopping trip ko.
4pm: pick-up kat at dorm
in fairness, ang bilis ko magdrive. andun na ako by 430pm. greenhills to Nakpil in 30 minutes. record-breaking time. haha. at in fairness, marami na akong alam na shortcuts. hehe.
5pm: uwi muna
ang bilis ko talaga magdrive. hehe. inaatake na siguro sa puso yung guardian angel ko kakabantay sa akin. hehe. buti na lang alisto siya. konting sukat-sukat ng pinamili sa greenhills.
630pm: buy cake and head to cainta
may celebration kasi kila noel. bday ng ate niya tapos yung isa niyang ate naman kakatapos lang mag-oathtaking. tapos andito rin sa manila parents niya. may salu-salo daw. dumaan ako ng red ribbon sa may timog. medyo matagal akong nag-isip kung aling cake ang kukunin. e kasi hindi naman healthy yun para sa mom nya e. pero yun lang naisip ko na pwede bilhin at the last minute. hehe.
710pm: cainta na ako!
yehey! last activity for the day. ang daming tao! hehe. hindi ko maalala ang mga pangalan ng pinakikilala sa akin. basta laging tatandaan ang safe na gawin ay : magsmile at wave hello! hehehe. cute cute talaga ng mga bata (kyle, guenne, ella, sasa and the 2 other kids). parang gusto ko na rin magkababy...pero di pa pwede. haha. hindi pa ako ready.
10pm: head home
kahit maaga pa. ang bilin kasi ni fairy godmother aka kumander mommy, dapat by 11 nasa bahay nako. sabi ko na e. wrong move ata na magsabi na may bf na e. yan tuloy. mas maaga pa ako umuwi ngayon kumpara nung wala akong bf na maghahatid at mag-aalala sa akin. haha. isn't it ironic? ika nga ni alanis.
sun:
tamad! hehe. batugan. natulog ako hanggang tanghalian. dapat umaga pa lang punta na akong mega mall. hindi ako makaalis dahil wala rin kasiguraduhan ang mga tao. dapat kasi si mommy at charlie ang kasama ko. kaso tinatamad si charlie. wala naman daw siya gagawin. tapos ayaw na rin ni mommy. kasi ayaw ni charlie at nagvolunteer naman kasi si noel na samahan ako. si con, hindi makadecide kung sasama ba o hindi. wala raw siyang pera.
330pm: head to mega mall
ang init! sinuot ko pa naman yung bagong bili kong tunic. nyar. ang hina ng aircon ng nasakyan kong fx pero ok lang kasi mabilis ang biyahe. kaso pagdating sa MRT, hindi nga siksikan, wala naman aircon. syet. nangangamoy na yung katabi ko. natakot akong baka mahawaan. hehe.
430pm: meet with noel
yey! kita na rin kami. dumaan sandali sa place na nagmimisa. actually tamad na ako mamili pero kailangan ko na bumili ng shoes. sira na lahat ng sapatos ko at ang tagal na nung huli akong bumili ng shoes na "mamahalin" haha. mahal naman sa akin lahat e. haha. kaya madalas tsinelas ang binibili ko. kumportable pa! binili rin namin si kat ng infinity wrap.
6pm: head to gateway
dinner at movie. sandali lang kasi kami nagkita nung saturday. monthsary pa naman namin tapos walang quality time. at ayoko pang umuwi. hehe. ang ganda ng Date Movie! super funny pero medyo gross. hahaha. bago kong favorite. makabili nga ng kopya.
9pm: uwi na
baka mapagalitan kasi e. sabi ko kasi sa mom ko sandali lang ako. bibili lang ako ng shoes. haha. napagalitan nga ako...pero ibang issue na yun. ok lang. masaya naman araw ko. hehe.
ang detailed!
ReplyDelete