looking ahead

...nung isang araw, thursday to be exact, nakabangga ako. not exactly bangga in the sense na wasak ang bumper, may dent or something. bangga as in bump lang na halos di mo mararamdaman pero maiisip mo na, "wait, dumikit ba ako sa kotse sa harap?" bangga na mapapababa ka sa kotse para tingnan kung totoo ba ang iniisip mo at nagdarasal ka na sana hindi o kung totoo man sana konti lang para hindi mahalata ni daddy o ni mommy.

kasama ko nun si noel. sabi nya, "kung saan-saan kasi ako nakatingin". true enough, malayo pa lang, nagscout nako ng parking space para pagpasok namin sa parking area, makapark kami agad at makahabol sa movie.

nakalipas ang ilang araw, naiisip ko pa rin yung sinabi nya. oo nga. madalas kung saan-saan ako nakatingin. madalas masyadong malayo na ang iniisip ko na nakakalimutan ko magfocus kung nasaan ako at that moment. kung ano muna ang dapat kong gawin bago ko marating yung gusto ko puntahan.

wala lang. napaisip lang. anu ba yun. new learning everyday.


----------
napapansin ko pala. na halos lahat ng mga new learning ko, natututunan ko sa kotse. haha. syet. drayber na talaga ako. hahaha.

5 comments:

  1. ate cla, ano ba yan, bakit puro ang drama ng posts mo? lalim masyado...corny! hahahah! =p

    p.s. di ako marunong mag-tag kya dito nalang.hahaha

    ReplyDelete
  2. bulok ka! tag na lang di ka pa marunong! hahaha. bket ba? gusto ko e. hahaha.

    ReplyDelete
  3. haha! basta dyarber, sweet lover! yiheee! kay swerte!

    ReplyDelete
  4. haha! basta dyarber, sweet lover! yiheee! kay swerte!

    WAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! shet ang sakit na ng face ko sa kakatawa.

    ReplyDelete
  5. haha. easy ka lang paps! hehe. baka kung anong mangyari sayo.

    ReplyDelete