kingkong-an

dapat manunuod kaming mga gabay peeps ng kingkong. kaso ang traffic e. hahaha. umalis kami ni chi ng around 7 sa office. tapos pumunta ng greenbelt. grabe. walang parking!!! more than an hour ata kami naglilibot. nakita pa namin si yeg. haha. akala niya kukunin namin ang parking slot niya. hahaha.

anyway, after a very long time, naisip kong magpark na lang sa dela rosa para sure na may parking. kasi mga tamad ang tao e. haha. as expected, marami pa ngang parking slots available. ayun, lakad kami ni chi from walkway to tokyo tokyo sa glorietta kung san andun sila mike, kaye, ate kams, pitt at gee. dahil nga late na kami nakarating, hindi na kami umabot sa 8pm screening. kumain na lang kami sa food choices. ako, si pitt, gee at chi. humabol din pala si miggy. hehe.

although medyo sad ako, kse importanteng date dapat kahapon, masaya na rin kasi nakita ko ang iba sa mga importanteng taong nakilala ko at nagkaron ng malaking epekto sa buhay ko, bago matapos ang taon.

salamat sa inyo! you made 2005 one hell of a year for me! *hugs everybody*

----------
dear santa,

gusto ko lang magpasalamat sa mga gift na natanggap ko this year. hindi ko na ieenumerate lahat pero sobrang happy ako. maraming taong nakaalala sa akin. sana bless mo sila. thank you!

love,
me

ps... o sige, bless mo na rin kahit yun na ring mga taong nakaalala lang at walang regalo sa akin. pero remind mo rin sila na hindi naman nagsasara ang pinto ko for late gifts. hehe. tumatanggap din ako ng cash at gift check. hehe.

No comments:

Post a Comment