tabachuuuuuuuuuuuyyyyyyy!!!

ang taba ko na! hahaha. di ko akalain na masasabi ko yun sa tanang buhay ko.

para akong suman sa mga pantalon ko e. sabi nga ni kat, "ate, anu ba yan? parang puputok ka na! baka pag-upo mo mabutas yan!".

pano ko nalaman?

kasi hindi na masyadong kita yung pelvic bones ko. as in ever since bata pa ako kita na yun. tapos lagi sinasabi sa akin ng mommy ko, kung tumataba ako, dapat hindi na makikita yun. eh nung nagcheck ako nung isang araw, laking gulat ko! konti na lang ang nakalitaw!

tapos kahapon, naka-ilang palit na ako ng pantalon, paano, walang magkasya. yung tipong kailangan kong humiga sa kama at mag-inhale para maisara yung zipper at maipasok yung butones! gravy!

ang resolution...magshopping at bumili ng bagong pantalon! tamang-tama, punta ako sa divi bukas. hehe.

2 comments:

  1. paano ba yan, baka hindi na tamang ilagay mo na taga-Somalia ka. ;)

    ReplyDelete
  2. good point grace... hahahahah!!! :) talaga... mataba ka na sa lagay na yan? kulang sa exercise... hmm... [hahaha!] alaga ka noh :-P

    ReplyDelete