not enough circuses

nanood kami ni kat ng fashion show some time ago. hindi ako agad nakapagkwento kaya ngayon lang. hehe. may free tickets kasi siya kasi nag-aaral siya ngayon ng sewing sa fashion institute of the philippines at yung iba niyang classmates ay designers na talaga.

ang fun! ngayon ko lang naappreciate ang mga fashion show. all the hard work spent on creating new designs, the production, etc. hehe. cool din kasi may mga nakita kaming celebrities like models and mtv vjs. may free food din from bizu and breadtalk plus wine and other refreshments!

hindi nga lang ako nakapagtake ng maraming pictures kasi walang optical zoom yung digicam ko. ang corny! hehe. pero mas masaya naman talaga makita up close and personal. parang gusto ko na rin tuloy magtake up ng classes. kaso nauna na si kat e.

No comments:

Post a Comment