nung Nov 31 pumunta kami sa loyola para bisitahin ang aming mga yumaong kamag-anak.
una naming binisita ang mga kamag-anak ni daddy. nakita namin agad yung nitso nung ibang lolo at lola namin (mga kapatid at pinsan ng lolo ko) kaso may hinahanap si daddy na iba pang kamag-anak na nakahiwalay. kaya naglakad-lakad pa kami. never pa namin binisita ang mga nitso ng kamag-anak na yun. hindi ko nga alam kung sino ba ang hinahanap namin. basta lakad lang kami ng lakad. tumawag si daddy sa phone ng pinsan ko para itanong kung saan. hindi sila magkaintindihan. ang clue lang namin ay limang nitso silang magkakatabi. hello?!? sementeryo ito, malamang maraming magkakatabing nitso! pagkaraan ng ilang minuto, sabi ng dad ko "kung sino makakahanap, bibigyan ko ng twenty pesos!" kahit ganado kami maghanap dahil sa "reward" nag-give up din kami. ang init ng araw e (tanghaling tapat kasi) at tinitingnan na kami ng mga tao. para kaming nag easter egg hunt.
sumakay kami sa kotse para puntahan naman ang puntod ng mga kamag-anak ni mommy. mas sossy sila e. may mausoleum. hehe. kaso hindi rin namin kabisado kung saan. ang palatandaan lang namin, katabi nung kila dolphy yung mausoleum nila tatay zaro. kaya nagtanong na lang kami sa guard. nakita rin namin. kaso malayo ang nilakad namin kasi mali yung nilikuan namin at malayo pa ang iikutin kung ipipilit namin magdala ng kotse.
No comments:
Post a Comment