unang araw namin nung monday maging "orphans". in fairness, ang babait namin. haha. ang aga kong nagising nung umaga kasi naalala ko na unang araw ng pagbabagong buhay ulit. (haha. every week na lang bagong buhay ako!)
ok na sana ang lahat. kaso nung hapon, nagtext si tin. kailangan daw ni charlie ng mga gamit for school. tapos si kat hindi alam kung paano umuwi kasi walang MRT kasi walang kuryente. e yun lang ang alam niyang way pabalik ng bahay galing ng sewing class.
naloka ang lola mo!
e paano may tinatapos pa akong ad na deadline na pero kahapon lang din sinabi sa akin kaya kahapon ko lang din nasimulan. buti na lang naging ok din ang lahat. hindi man ako umabot sa bookstore, nag-offer naman si noel bumili ng gamit ni charlie for me (yehey. bait.). tapos si kat, nakarating naman ng bahay. at natapos ko rin yung ad ko.
natatawa nga ako e. napansin ko may role-playing kami sa bahay. ako si daddy tapos si tin si mommy. hahaha. ang kulit! kaso may nagrereklamo sa akin na may nagpo-powertrip. ano kaya gagawin ko?
basta alam ko lang, ayoko pa maging magulang. ang hirap. lalo na kung pasaway mga anak mo. haha. ngayon ko lang narealize na napaka-pasaway ko talaga. hahaha.
goodluck sa amin. soo many days to goooooo...... i miss my mommy!Ü
HAHAHAHAHA =D wag muna ate cla, bata ka pa!
ReplyDeletei wonder ... sino kaya nagpopower trip?? at sino kaya nagreklamo?? heehee. joke joke!
ReplyDelete