kahapon, hindi ko inaasahan na sa pagsakay ko sa FX, makikita ko ang aking inspiration para pumasok ng maaga.
pagpasok ko pa lang, naamoy ko na ang amoy ng fresh! fresh meaning bagong ligo. medyo amoy sabon pa! tapos narinig ko yung boses nya. ang gwapo-gwapo. pwedeng mag-DJ! habang nagdri-drive, inobserbahan ko kung paano siya magmaneho. gentleman! tapos nag-inspection ako ng mga daliri habang nag-aabot siya ng pamasahe. ang linis ng mga kuko! tapos napatingin na rin ako sa sapatos nya, nike! sossy!
sinubukan kong silipin ang mukha niya sa rearview mirror pero hindi ko kaya. masyado akong maliit. pero nakita ko ang kilay at mata niya. kaakit-akit!
pumasok ako ng maaga kanina. hoping na dun ulit ako makasakay. asa pa ako. hehe. malabo na ulit kaming magkita. pero at least, maaga nako pumapasok. Ü
----------
sabi ng officemates ko, desperado na raw ako. haha. hindi naman eh. astig lang na may driver pa lang parang hindi driver. hehe.
No comments:
Post a Comment