
shop shop shop
maaga akong nagising. nasa kalagitnaan na ako ng paliligo ng biglang mawalan ng tubig. gravy. puro sabon pa naman ako. naisip ko sandali lang ito. malamang naglalaba kaya hindi makaakyat ang tubig sa 2nd floor. pero after 10 minutes, wala pa rin. so naisipan kong sumigaw para humingi ng saklolo.
Tubbbbiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiggggggg!!!!!!!!!! pakibukas ang motoooooorrrrrrrrrr!!!!!!!!!!!!!
kaso wala talagang tubig. kaya naghintay pa ako ng 10 minutes. pinagtiyagaan ko ang paisa-isang patak na lumalabas sa shower at gripo. ina-alternate ko kasi eh. baka hindi ko pa na-exhaust lahat ng alternatives. ayun. after 5 more minutes, nagkaron na rin ng lunas. hahaha.
naisip ko tuloy...ang swerte ko talaga! minsan ko lang nararanasan ang ganito. pano kaya ang mga tao sa squatters? o yung mga nakatira sa kariton? hindi ko maimagine na hindi maligo everyday. parang kasalanan yun eh.
pagkatapos maligo, dali-dali na akong nagbihis at nag-ayos ng mga dadalhin sa aming expedition. haha. expedition kasi maraming obstacles. naisip ko dapat naka-body bag so naghanap ako. tapos dapat ang pera barya. kaso wala akong barya eh. bahala na. dapat may payong o hat. ngayon ko lang ulit naisuot ang aking fisherman's hat. hehe. to keep my hair in place. haha. ayoko kasi mausukan. good hair day pa naman ako. tapos dapat comfortable ang damit at ang sapatos. nagtsinelas na lang ako. although na-warn na ako na malamang matapak-tapakan ang aking pretty little toes. bahala na. kakayanin ko ang lahat para lang makapagshopping. hehe.
from bahay, sumakay ako ng jeep papuntang morayta. pagbaba, sumakay ulit ako ng jeep papunta namang divisoria at tutuban. grabe! ang init. first time ko rin pumunta na magcocommute ng mag-isa. tinanong ko yung katabi kong ale kung dadaan ng 168 yung jeep. di nya raw alam. nahiya naman akong tanungin yung mama sa kabilang side ko. mapaghahalatang hindi ako madalas pumupunta dun.
ang traffic. sumasakit na ang tiyan ko. expected reaction tuwing nasa unfamiliar place ako at wala akong kasama at inaatake ako ng claustrophobia or whatever you call it. huhu. naisip kong maglakad, pero di ko naman alam kung san ako dapat patungo. huhuhu. naghintay na lang ako at nagconcentrate sa pag-iisip. makakarating ako ng tutuban... makakarating ako ng tutuban... makakarating ako ng tutuban...
biglang nagvibrate ang phone ko. nahkoh! di ko pwedeng ilabas at tingnan. nakakatakot. baka manakaw phone ko. wala pa namang isang buwan ito at ni hindi ko pa nababayaran. huhu. buti na lang maluwag ang bag ko at natingnan ko pa rin. si val, tinatanong kung nasaan na ako dahil nakaalis na sila ni brendy sa bahay nya at papunta na sila ng divisoria. after ilang text messages, calm na ulit ako. nawala na ang kakaibang feeling.
biglang huminto ang jeep sa petron. akala ko magpapagasolina lang pero nagbabaan ang mga tao. hindi ko makita ang familiar facade ng tutuban center. nasan na ba ako? tinanong ko si manong driver kung nasan na kami, kung nasaan ang tutuban. tinuro nya ang building sa tapat. lalakarin mo na lang miss! sa wakas! andito na ako!
nagtext ako kila brendy, malapit na raw sila. kaya naglibot-libot muna ako. buti na lang nakarating na ako dito dati. maya-maya, tumatawag na sila val at dadaanan daw nila ako. hintayin ko na lang sila sa harap.
tapos nagstart na ang adventure. pumunta muna kami sa 168. grabe. hindi ako makapili. ang dami ko kseng gustong bilhin kaso feeling ko kapag bumili ako agad, makakahanap ako ng mas maganda tapos magsisisi ako na hindi ako naging patient at naghintay at nagtingin muna. haha. siguro naisip ni val na boring kami kasama magshop. haha. puro tingin lang muna tapos parang walang balak bumili.
naubos ko ang 1k na dala ko. nakabili ako ng shoes, cutie underwear, 3 blouses, and a pair of pants! sulit compared kung namili ako sa greenhills o sa mall. hehe. excited na akong bumalik ulit! at excited na rin akong pumasok sa office.
----------
sayang hindi ka nakasama May! i'm sure marami kang mapapamili at magugustuhan. tayo pa naman, kuripot! hehehe. next time! balak kong bumalik!
cla, alam mo ba sa retiro may jeep papunta derecho na ng tutuban?! hehe.. wala lang.. :)
ReplyDeletegusto kong pumunta jan!!!
ReplyDelete