ito ang status ko the whole week sa YM. kung hindi yan... out of the office. ang busy ko na talaga. hindi na ako makapag-update ng blog palagi. huhuhu. so ano ba ang masasabi ko sa nakalipas na linggo? (yung huli ko kasing update last friday pa)
ANG BABOY KO NA! isang linggong pagpapataba ito. hahaha.
paano ba naman, buong week may event ang kabilang division...meaning maraming free food! mapa-lunch o merienda! tapos nag-attend ako ng meeting nung wednesday. ang daming Starbucks pastries! sa katakawan ko, hindi tuloy ako makaalis agad ng office dahil sobrang sakit ng tiyan ko. it must be the brownies...super chocolatey eh! nung thursday, ako naman ang nagpa-cater. overestimating! ang dami naming sobra. napagalitan tuloy kami.
narealize ko...mahirap pala mag-enjoy sa pagkain kung alam mong "last" meal mo na yun. kahit gaano kasarap pa man yung food, mawawalan ka talaga ng gana kapag alam mong may "taning" na ang buhay mo. pano pa kaya yung mga na death sentence? gravy!
No comments:
Post a Comment