hindi ko alam kung nasobrahan lang ako sa kakapanood ng tv o kakabasa ng sari-saring libro. hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang akong nalungkot nung isang gabi na naglalakad ako mula sa opisina papuntang MRT.
hindi naman ako napagalitan sa trabaho. hindi rin naman kami nag-away ng nanay ko. wala naman akong nakaaway na kaibigan. at lalong wala akong kakilalang namatay o nagkasakit.
basta kakaiba. kahit anong pilit kong aliwin ang sarili ko sa pagwiwindow-shopping (dumadaan kasi ako sa apat na mall bago makarating ng MRT station) o sa panunuod ng mga tao, ganun pa rin eh. mabigat.
ayokong maramdaman ulit iyon.
ay grabeh. nangyari nadin sakin yan. ndi lang isang beses. sadness to the nth degree it is. haay life...
ReplyDeleteuh huh. shit happens.
ReplyDeletebaka kailangan mo lang ng kausap nung mga oras na yun... o kasama maglakad, kahit hindi kayo nag-uusap
ReplyDeleteyup sometimes sadness unexpectedly comes over me too, without warning.
ReplyDeleteparang ulan.